Friday, March 12, 2010

>ULTRAELECTROMAGNETIC FAILURE!

>

No dear. This is not about the Eraserheads. I love them and I don't think na failure ang pag-disband nila.They had their awesome contribution to our culture and the industry and let us just leave it there.

This is about me. And the EPIC FAILURE that happended on this day.

You see, I was asked to give a recollection in a public school here in Los Baños. Three (3) weeks pa lang before the date ay sinabihan na nila ako. Good enough. Para naman makapaghanda ako.

And then I prepared. Even to the point of sacrificing my time to take care and to be with my beloved Lolo Antonio who is very sick and dying.

But merciful comos! It all turned into a crap.

I went to the school kahit umuulan at maputik - all for my love for sevice to the students (Hindi ko naman alam kung may honorarium o wala. Hindi ko naman hinahabol yun.).

And I waited.

And I waited for some more.

Hangang sa nabagot na ako at sinubukang tawagan ang office ng Simbahan. And it turned out na kinansela pala kahapon, Thursday, ang recolletion.

At hindi nila ako ini-inform gayung ako ang facilitator.

Pang-asar lang ano?

And so umuwi na ako at nagpasyang dumaan sa office ng Parish para itanong kung bakit hindi ako in-inform ng coordinator-catechist. Kaso sarado pa siya kaya andito ako ngayon sa computer shop sa Robinson's Town Mall Los Baños na katapat lang ng Simbahan at isinusulat ang arikulong ito.

Here's the thing: Isa sa pinakamagandang paraan ng pag-respeto sa kapwa ay ang pag-respeto ng kanyang oras.

Limited ang oras ng tao. tumatakbo ang oras. Maraming nasasayang. At sa mga oras na nasasayang, marami pa sanang makabuluhang bagay napuwedeng gawin.

Respeto lang kaibigan. Iyong simpleng hindi pagiging late sa tagpuan ay malaking bagay na at nagpapakita ng repeto. Ano pa kaya yung mismong pagsipot sa itinakdang appointment?

Respeto. Paggalang. Basic na mga bagay lang yan kaibigan.

Sa bandang huli, ayokong mgalit at masira ang buong maghapon ko dahil sa isang bagay na puwede namang palampasin. Smile pa rin. Relax pa rin. Optimistic pa rin.

Sabi nga ng dakilang si John Maxwell, "Do not let the situations mean more than the relationship."

Magpapatuloy ang buhay. Pag-ibig at kapayapaan para sa lahat. Padayon!

No comments:

Post a Comment