Friday, October 14, 2011

Henyo

[caption id="" align="alignnone" width="372" caption="Pinoy Henyo"][/caption]

Kung may isa mang salita akong gagamitin upang ilarawan ang isa sa aking mga idolo at tinitingalang tao sa industriya, iyan na siguro iyon. Wala na sigurong mas akma pang salita upang ilarawan ko si Joey de Leon.

Bata pa lang ako, tuwang-tuwa na ako kapag nanonood ng mga programa ni Joey de Leon. Ibang klase ang kanyang istilo ng pagpapatawa. May pinaghuhugutan. May talino. Isa nga kasing henyo.

Hanggang ngayon, sinusubaybayan ko pa rin ang mga palabas ni Sir Joey sa telebisyon. Pauloy pa rin akong nagbabasa ng kanyang lingguhang artikulo saPhilippine Star. Patuloy pa ring pinapakinggan ang mga awiting kanyang nilikha. At hangga’t patuloy na ibinabahagi ni Sir Joey ang kanyang talento, hindi ako magsasawang sumubaybay sa kanya.

Wala akong pakialam kung hindi mo siya gusto. Wala akong pakialam kung sa tingin mo ay mas magaling si Willie Revillame sa kanya (pero mukhang “peace be with you” na sila dahil magksama na sila sa Kapatid Network). Wala akong pakialam kung hindi ka natatawa sa kanyang mga birada. Wala akong pakialam kung kinasusuklaman mo siya. May kalayaan kang pumili katulad ng kalayaan kong tingalain at hangaan ang isang Joey de Leon.

Maraming salamat Sir Joey sa ilang taong pagpapaligaya. Nawa ay ipagpatuloy mo ang pagbibigay sa amin ng saya. Mananatili akong tagahanga. Maligayang kaarawan! Padayon!

No comments:

Post a Comment