Sunday, August 14, 2011

Angels and Jejemons: Isang Pagsusuri (o Isang Mapagkunwaring Book Review)

[caption id="" align="alignnone" width="500" caption="Cover pa lang. Catchy na. Sino ba naman ang hindi magiging interesado sa librong yan? Pero dapat pala, pinaniwalaan ko yung "Do not judge a book by its cover""]Angels and Jejemons: Isang Pagsusuri (o Isang Mapagkunwaring Book Review) Isang disclaimer: Hindi ito libro tungkol sa mga anghel. Hindi din ito tungkol sa mga Jejemon. At hindi ito spoof ng nobela ni Dan Brown kaya’t hindi mo makikita ang Santo Papa na nagsusuot ng jejecap bilang kapalit ng kanyang Mitra. Isa itong aklat tungkol sa Pinoy Pop Culture. Nasa Booksale ako kahapon sa SM CIty Calamba nang makapukaw ito sa aming paningin. Itinuro sa akin ng tatay ko ang librong ito na naka-display malapit sa may counter. Takaw-pansin ang libro dahil katulad ng illustration ng sikat na nobela ni Dan Brown - ang Angels and Demons.  Dahil mura ang aklat sa halagang 85 pesos, agad ko itong binayaran sa counter. At hindi naman ako nanghinayanhg sa pagbili. Puwede ng pagtiyagaan. Madali kong natapos ang aklat. 136 pahina lang kasi. Isang upuan lang, solb na ang kuwentuhan. Ang aklat, katulad ng nabanggit ko sa itaas, ay tungkol sa Pinoy Pop Culture. Nahahati ito sa ilang mga kabanata: mga patunkol sa pelikula, teleserye, artista, listahan ng mga kung-ano-mang-naisip-ng-may-akda, musika, basketball, at ilan pang mga random na bagay na pumasok sa isip ni Arnel Aquitania na isinulat upang maging bahagi ng aklat. Dahil nga patungkol sa Pinoy Pop Culture, makaka-relate ang mga mambabasa sa ilang mga bagay sa aklat na ito. Pero may mga item sa libro na kailangan pang i-Google ng kasalukuyang henerasyon dahil sa masyao na itong vintage o hindi na umabot sa panahon ng torrents. Kaya may mga parte na nagpapatawa na pala ang may akda, hindi ko pa rin ma-gets. Taglish at informal ang wikang ginamit sa aklat. Parang nagku-kuwentuhan lang kayo ng conyologs mong kaibigan. Nandoon ang witty na atake at paglalaro sa mga salitang ginamit. Kung alipin ka ni Bob Ong, malamang na sabihin mong “parang si Bob Ong ang istilo ng pagsusulat.” Ngayon pa lang itigil mo na ang pagbabasa ng artikulong ito at pumunta sa pinakamalapit na bookstore at pumunta sa Filipiniana section, halungkatin mo yung mga obra ng ibang Pilipinong manunulat. Sa kabuuan, mahusay ang pagkakasulat ni Arnel Aquitania sa aklat na ito. Nandoon ang sarili niyang istilo sa pagku-kuwento na hindi maaaring ihalintulad sa ibang manunulat. Pinupuri ko din ang PSICOM Publishing sa pagbibigay ng pagkakataon sa ilan nating mga kababayang manunulat na mailimbag sa isang aklat ang kanilang mga obra. At naniniwala akong madami pa kayong matutulungan. At sana ay isa na po ako doon (shameless promotion). Sa bandang huli, nais kong iwanan sa inyo ang katagang ito: “Bob Ong may have stereotyped the writing style of some Pinoy writers but only a wide reader can break that notion.” (Pinag-isipan ko yan. Bawal nakawin.) Diyan na muna kayo. Baka kuyugin na ako ng mga fans ni Bob Ong. Padayon![/caption]

Isang disclaimer: Hindi ito libro tungkol sa mga anghel. Hindi din ito tungkol sa mga Jejemon. At hindi ito spoof ng nobela ni Dan Brown kaya’t hindi mo makikita ang Santo Papa na nagsusuot ng jejecap bilang kapalit ng kanyang Mitra.

Isa itong aklat tungkol sa Pinoy Pop Culture.

Nasa Booksale ako kahapon sa SM CIty Calamba nang makapukaw ito sa aming paningin. Itinuro sa akin ng tatay ko ang librong ito na naka-display malapit sa may counter. Takaw-pansin ang libro dahil katulad ng illustration ng sikat na nobela ni Dan Brown - ang Angels and Demons.

[caption id="" align="alignnone" width="295" caption="Binasa ko 'to noong College sa kalagitnaan ng pagre-review ko sa Ontology at Epistemology. Hindi ko mabitawan sa sobrang ganda! #DanBrownIsEvil"][/caption]

Dahil mura ang aklat sa halagang 85 pesos, agad ko itong binayaran sa counter. At hindi naman ako nanghinayanhg sa pagbili. Puwede ng pagtiyagaan.

Madali kong natapos ang aklat. 136 pahina lang kasi. Isang upuan lang, solb na ang kuwentuhan.

Ang aklat, katulad ng nabanggit ko sa itaas, ay tungkol sa Pinoy Pop Culture. Nahahati ito sa ilang mga kabanata: mga patunkol sa pelikula, teleserye, artista, listahan ng mga kung-ano-mang-naisip-ng-may-akda, musika, basketball, at ilan pang mga random na bagay na pumasok sa isip ni Arnel Aquitania na isinulat upang maging bahagi ng aklat.

Dahil nga patungkol sa Pinoy Pop Culture, makaka-relate ang mga mambabasa sa ilang mga bagay sa aklat na ito. Pero may mga item sa libro na kailangan pang i-Google ng kasalukuyang henerasyon dahil sa masyao na itong vintage o hindi na umabot sa panahon ng torrents. Kaya may mga parte na nagpapatawa na pala ang may akda, hindi ko pa rin ma-gets.

Taglish at informal ang wikang ginamit sa aklat. Parang nagku-kuwentuhan lang kayo ng conyologs mong kaibigan. Nandoon ang witty na atake at paglalaro sa mga salitang ginamit.

Kung alipin ka ni Bob Ong, malamang na sabihin mong “parang si Bob Ong ang istilo ng pagsusulat.” Ngayon pa lang itigil mo na ang pagbabasa ng artikulong ito at pumunta sa pinakamalapit na bookstore at pumunta sa Filipiniana section, halungkatin mo yung mga obra ng ibang Pilipinong manunulat.

Sa kabuuan, mahusay ang pagkakasulat ni Arnel Aquitania sa aklat na ito. Nandoon ang sarili niyang istilo sa pagku-kuwento na hindi maaaring ihalintulad sa ibang manunulat.

Pinupuri ko din ang PSICOM Publishing sa pagbibigay ng pagkakataon sa ilan nating mga kababayang manunulat na mailimbag sa isang aklat ang kanilang mga obra. At naniniwala akong madami pa kayong matutulungan. At sana ay isa na po ako doon (shameless promotion).

Sa bandang huli, nais kong iwanan sa inyo ang katagang ito: “Bob Ong may have stereotyped the writing style of some Pinoy writers but only a wide reader can break that notion.” (Pinag-isipan ko yan. Bawal nakawin.)

Diyan na muna kayo. Baka kuyugin na ako ng mga fans ni Bob Ong. Padayon!

Originally written and posted on 8 November 2010. Reposting because I am bored. And too burned out to write something new.

 

 

No comments:

Post a Comment