Thursday, April 15, 2010

>“Gatas ng Gobyerno”

>

Ngayon ay April 15. Deadline ng pagfa-file ng income tax. Ibig sabihin, busy na naman ang Kawatanan Kagawaran ng Rentas Internas (BIR) sa pangongolekta ng pondo mula sa ating mga taxpayer para maging bahagi ng pondo ng gobyerno.

Wala namang masama sa pagbubuwis. Nakakatulong pa nga ito. Para sa inyong mga hindi pa nag-aaral ng taxation sa Kolehiyo, ang buwis ang siyang dugo na bumubuhay sa isang bansa. Kung walang buwis - na siyang pinagmumulan ng pondong ginagamit sa mga proyekto at serbisyo ng gobyerno - mamamatay ang isang bansa.

Sa ibang bansa, grabe kung makapagbuwis ang gobyerno. Pero hindi nagrereklamo ang mga tao dahil ramdam naman nila ang epekto ng kanilang buwis - sa serbisyo at proyekto na ipinagkakaloob ng gobyerno.

Dito sa Pilipinas, palagi na lang umaangal ang mga mamayan kapag tumataas ang mga produkto at serbisyo dahil sa karagdagang buwis. May punto naman ang ating mga kababayan. Minsan kasi, hindi natin nararamdaman kung saan napupunta ang kinaltas sa ating mga kayamanan.

Sa aking opinyon, kahit gawing 20% o 30% pa ang buwis, kung inutil naman ang pangongolekta at kung sablay naman ang paggamit sa pondo, walang mangyayari sa atin. Kahit 100% VAT pa ang ipataw sa paborito kong kape at beer. Sana ay matugunan ito ng mga susunod na uupo sa puwesto.

Mga kaibigan, 24 days na lang bago maghalalan. Pag-isipan nating mabuti ang ating mga ihahalal sa puwesto. Umasenso tayo Pilipinas. Padayon!

- Juan Republic, 24 Days Before the Election

Wednesday, April 14, 2010

>Hindi ko Iboboto ang Tumatakbong Konsehal na hindi alam ang Pinagkaiba ng "Resolution" sa "Ordinance" (O kung Bakit Hindi natin Dapat Balewalain ang P

>

SA MGA BOTANTE AT MAY PAKIALAM SA PILIPINAS, BASAHIN NINYO ITO:

Kagabi, matapos mawalan ng kuryente ay pinatay ko na ang laptop. At dahil matalino ang meralco, halos limang minuto lang tumagal ang brownout, pero tinamad na akong mag-internet. Kaya binuksan ko na lang ang TV para manood ng mga late night news and public affairs program sa telebisyon.

At napatapat ako sa Channel 2. Sa The Correspondents. At napakaganda ng kanilang topic kagabi - tungkol sa mga konsehal. Kung bakit nga naman iyong mga artista at mga mayayamang negosyante ay nagkukumahog na gumastos ng malaki sa kampanya para sa posisyon ng Konsehal.

Mababa sa ating paningin? Mag-isip ka ulit.

Sila ang itinuturing na mga Little Congressmen.

Kung sa Camara de Representates, tumatanggap ang ating mga butihin at buwayang mga Congressmen ng Pork Barrel o Countrywide Development Fund (CDF) para sa mga proyekto sa bawat distrito, ang ating mga Konsehal ay may tinatanggap din na pondo na alokasyon para sa kanilang mga proyekto sa kanilang nasasakupang distrito, lungsod, o bayan.

At kung akala mong barya lang, nagkakamali ka. Umaabot ito ng mahigit 40 Milyong Piso taon-taon! At para lang iyon sa isang konsehal. Mabuti sana kung sa mabuting proyekto napupunta ang alokasyong iyon.

Ang konseho (kalipunan ng mga konsehal) din ang may kapangyarihan para i-apruba o ibasura ang mga nakahaing business permits, development sa isang bayan/lungsod, pagpapatayo ng mga gusali at mall at marami pang iba.

At hindi naman kaila sa atin na may mga pogi tayong konsehal na tumatanggap ng lagay sa mga negosyante para mapabilis ang transaksyon at pag-apruba sa isang proyekto.

Marami sa mga tumatakbong konsehala ang nagsasabing gusto nilang makapaglingkod sa kanilang mga kababayan kaya gusto nilang tumakbo. Pero nakakalungkot isipin na noong tinanong ng host na si Karen Davila ang mga aspiring councilors sa pinagkaiba ng “resolution” at “ordinance” - na dapat ay nasa puso na ng isang konsehal dahil sa kanila ito nagmumula - malayo at malabo ang isinagot nila.

Oo, mababaw na dahilan para hindi iboto ngunit malalim ang pinaghuhugutan. Sa kanila kasi nakasalalay ang ating lungsod/bayan.

Huwag sana tayong mabulag sa kasikatan ng tumatakbo. Huwag sana tayong magpadala sa mga kupal pangako. Huwag sana tayong magpadala sa sabi sabi ng iba. Kilatising mabuti ang mga kandidato.

Tandaan ninyong mas direkta ang impluwensya sa atin ng mga Konsehal kesa sa mga Congressman, Senador, Pangalawang Pangulo, at Pangulo. Mas malapit at direkta sa atin ang kanilang kapangyarihan upang makapaglingkod.

Mga kaibigan, 25 araw na lang bago ang eleksyon. Pag-isipan nating mabuti ang ating mga boto.

Kapayapaan at pag-unlad para sa Bansang Pilipinas. Padayon!

Monday, April 12, 2010

>MANNY VILLAR'S JINGLE: HELE NG INA SA KANIYANG ANAK

>Unbelievable? Believe it. I have witnessed it myself.

Kanina, matapos akong ma-badtrip sa torture device na nagpapatugtog ng campaign jingle in the tune of “Nobody” malapit dito sa amin, umalis kami ng kapatid ko para magbayad ng water at electric bills namin sa Laguna Water District at sa Meralco.

Ako ang nagpunta sa Meralco at ang kapatid ko naman ang sa Water District.

Ngayon, alam niyo naman sigurong mga Meralco consumers kung gaano kahaba ang pila kapag nagbabayad sa Meralco. Buti na lang at de aircon ang headquarters ng Meralco kaya medyo tolerable ang mahabang pila.

Nandoon ako, nakapila, waiting for my turn sa counter at dala ang mahabang pasensya. Sa likod ko ay may isang nanay, on her 30’s, na karga ang kanyang anak na sa tingin ko ay nasa 2 hanggang 3 taong gulang.

At dahil cool yung bata, sinabayan niya ang init ng panahon ng umaatikabong pagmamaktol at pagngalngal - naiinip na siguro o nagugutom.

Ginawa ni nanay ang lahat para amuin ang bata pero hindi pa rin tumigil ang bata sa ginagawa niyang noise pollution.

At ginamit na ni Nanay ang kanyang ULTIMATUM.

Kinanta niya ang (in)famous na campaign jingle ni Manny Villar habang hinehele ang bata (yung medyo kinakalog-kalog ng konti ngunit may paglalambing para makatulog ang bata).

Hindi bawal mangarap, ang mahirap. Basta’t maaabot ito sa malinis na paraan..”

Hindi ko alam kung may hypnotic effect talaga ang kanta ni Manny Villar pero himalang tumigil ang bata sa kanyang pagmamaktol at unti-unting nakatulog.

Wasak! Kahit ako ay hindi makapaniwala.

Naniniwala na akong malakas talaga sa mga bata ang mga pang-aakit ni Manny Villar - mismong si Baby James Yap nga ay naapektuhan na din. Sabi nga ng nanay ko, kung mga bata daw ang boboto, tiyak na panalo na si manny Villar.

Huwag sana tayong tumulad sa bata na nakatulog at napatahimik ng kanta ni Manny Villar. Hindi campaign jingle ang basehan ng pagpili ng magiging lider ng ating bayan.

Pag-ibig at kapayapaan para sa ating lahat. Padayon!
>That was my statement during the height of the “Nobody” craze last year. At hindi pa rin siya magbabago.

You see, naging torture sa akin ang pagpasok sa trabaho noon dahil palagi na lang siyang pinapatugtog sa sinasakyan kong bus na biyaheng LRT-Taft Buendia. Kasama pa ang buwakananginang “Sabay-sabay Tayo” ni Marian “Nakakasawa ka na” Rivera.

Tapos pag-uwi ko, pagod sa maghapong trabaho sa field, maririnig ko pa sa mga kapitbahay naming may sumasayaw na mga bata. Tapos kakantahin pa nung kapatid ko sa harap ng salamin. Abashet!

It was everywhere. Noong una, tolerable pa. Nang maglaon, naging torture device na.

Ngayon, habang nagluluto ako, may “naka-park” na Mobile Noise Machine and Torture Device (iyong mga sasakyan na may malakas na speaker, tapos nagpapatugtog ng mga pang-hypnotize na campaign jingles) malapit dito sa amin.

Pinapatugtog ang campaign jingle ng Governor and Vice Governor tandem ng Liberal Party dito sa amin in the tune of “NOBODY”.

Abashet! Sobrang init na nga, yun pa ang mapapakinggan! I’ve had enough!

Mababaw na dahilan ang hindi pagboto ng dahil lang sa campaign jingle - dapat ding tingnan ang track record, plataporma, at kung may magagwa ba talaga siya sa Lalawigan/Bayan.

Pero matagal na akong nakapili ng iboboto ko sa pinakamataas na posisyon sa aming Lalawigan- at hindi sila iyon.

Kaya sorry na lang. Mad nakadagdag pa sa hindi ko pagboto sa inyo ang paggamit ng “Nobody” sa campaign jingle ninyo.

Kung puwede lang sanang pasabugin yung speaker. Mainit na nga at may napapabalita pang 3-hour brownout ngayong araw, parusa ang mag-ingay gamit ang jingle nila.

Konting malasakit naman ngayong tag-init. Kapag nairita sa inyo ang taong bayan, mas hindi kayo iboboto. Tapos magrereklamo kayong dinaya kayo?

Mainit na tanghali sa inyong lahat!