>Unbelievable? Believe it. I have witnessed it myself.
Kanina, matapos akong ma-badtrip sa torture device na nagpapatugtog ng campaign jingle in the tune of “Nobody” malapit dito sa amin, umalis kami ng kapatid ko para magbayad ng water at electric bills namin sa Laguna Water District at sa Meralco.
Ako ang nagpunta sa Meralco at ang kapatid ko naman ang sa Water District.
Ngayon, alam niyo naman sigurong mga Meralco consumers kung gaano kahaba ang pila kapag nagbabayad sa Meralco. Buti na lang at de aircon ang headquarters ng Meralco kaya medyo tolerable ang mahabang pila.
Nandoon ako, nakapila, waiting for my turn sa counter at dala ang mahabang pasensya. Sa likod ko ay may isang nanay, on her 30’s, na karga ang kanyang anak na sa tingin ko ay nasa 2 hanggang 3 taong gulang.
At dahil cool yung bata, sinabayan niya ang init ng panahon ng umaatikabong pagmamaktol at pagngalngal - naiinip na siguro o nagugutom.
Ginawa ni nanay ang lahat para amuin ang bata pero hindi pa rin tumigil ang bata sa ginagawa niyang noise pollution.
At ginamit na ni Nanay ang kanyang ULTIMATUM.
Kinanta niya ang (in)famous na campaign jingle ni Manny Villar habang hinehele ang bata (yung medyo kinakalog-kalog ng konti ngunit may paglalambing para makatulog ang bata).
Hindi bawal mangarap, ang mahirap. Basta’t maaabot ito sa malinis na paraan..”
Hindi ko alam kung may hypnotic effect talaga ang kanta ni Manny Villar pero himalang tumigil ang bata sa kanyang pagmamaktol at unti-unting nakatulog.
Wasak! Kahit ako ay hindi makapaniwala.
Naniniwala na akong malakas talaga sa mga bata ang mga pang-aakit ni Manny Villar - mismong si Baby James Yap nga ay naapektuhan na din. Sabi nga ng nanay ko, kung mga bata daw ang boboto, tiyak na panalo na si manny Villar.
Huwag sana tayong tumulad sa bata na nakatulog at napatahimik ng kanta ni Manny Villar. Hindi campaign jingle ang basehan ng pagpili ng magiging lider ng ating bayan.
Pag-ibig at kapayapaan para sa ating lahat. Padayon!
No comments:
Post a Comment