Thursday, April 15, 2010

>“Gatas ng Gobyerno”

>

Ngayon ay April 15. Deadline ng pagfa-file ng income tax. Ibig sabihin, busy na naman ang Kawatanan Kagawaran ng Rentas Internas (BIR) sa pangongolekta ng pondo mula sa ating mga taxpayer para maging bahagi ng pondo ng gobyerno.

Wala namang masama sa pagbubuwis. Nakakatulong pa nga ito. Para sa inyong mga hindi pa nag-aaral ng taxation sa Kolehiyo, ang buwis ang siyang dugo na bumubuhay sa isang bansa. Kung walang buwis - na siyang pinagmumulan ng pondong ginagamit sa mga proyekto at serbisyo ng gobyerno - mamamatay ang isang bansa.

Sa ibang bansa, grabe kung makapagbuwis ang gobyerno. Pero hindi nagrereklamo ang mga tao dahil ramdam naman nila ang epekto ng kanilang buwis - sa serbisyo at proyekto na ipinagkakaloob ng gobyerno.

Dito sa Pilipinas, palagi na lang umaangal ang mga mamayan kapag tumataas ang mga produkto at serbisyo dahil sa karagdagang buwis. May punto naman ang ating mga kababayan. Minsan kasi, hindi natin nararamdaman kung saan napupunta ang kinaltas sa ating mga kayamanan.

Sa aking opinyon, kahit gawing 20% o 30% pa ang buwis, kung inutil naman ang pangongolekta at kung sablay naman ang paggamit sa pondo, walang mangyayari sa atin. Kahit 100% VAT pa ang ipataw sa paborito kong kape at beer. Sana ay matugunan ito ng mga susunod na uupo sa puwesto.

Mga kaibigan, 24 days na lang bago maghalalan. Pag-isipan nating mabuti ang ating mga ihahalal sa puwesto. Umasenso tayo Pilipinas. Padayon!

- Juan Republic, 24 Days Before the Election

1 comment:

  1. >nakakainis isipin kung saan talaga napupunta ang milyon milyong buwis ng mga mamamayang pilipino.

    ReplyDelete