I watched the live stream of The Presidential Forum/Debate organized by The Philippine Daily Inquirer kaninang umaga. Salamat kay Gang Badoy ng Rock Ed Philippines for sharing the link through her Twitter account.
Dahil hindi ako morning person, hindi ko nasimulan yung forum pero okay na din dahil may blow by blow commentary at analysis sina Gang Badoy at ang kolumnistang si Patricia Evangelista sa kanilang Twitter account kaya parang nasubaybayan ko na din from the start.
Wala sa forum si Presidente Erap kaya walang “excitement”/ comic punchlines/ stupid cracks. Pero nandoon yung isang kandidato na nagpataas ng energy/ nagpa-high blood ng mga manonood.
Si Senator Maria Ana Consuelo Madrigal.
Mas kilala bilang Ja-ja-ja-jamby
Nagsimula sa tanong ng isang panelist.
Panelist: “Magkano po Senator ang kilo ng galunggong at itlog na maalat ngayon?”
Jamby: “I think it’s about 60”
(Jeers and collective “No” from the crowd)
Jamby: “You know, I cannot answer that, I will be honest, because I’m a vegetarian. I don’t eat fish.”
(A louder jeers and collective “No” from the crowd)
At nang medyo nag subside ang crowd, tinanong naman si Jamby kung magkano ang itlog na maalat.
Jamby: “Hindi po ako kumakain ng itlog.”
Intro pa lang yun ng panelist. Ang tunay na tanong ay kung magkano ang dapat na income ng isang tipikal na pamiyang Pinoy para makakakain ng three square meals sa maghapon. Kailangan daw na makapag-uwi ng bread winner ng Php 15,000 kada buwan.
Jamby: “If it’s the father and mother working then they’ll be taking home Php 30,000 a month and that would be the bare minimum to survive.”
At natapos na ang oras ni Jamby.
Sa maikling panahon, tumatak siya sa kasaysayan ng mga presidential forum/debates. Sikat! Pero sa negatibong impact.
Hindi naman natin masisisi si Senator Jamby kung hindi siya kumakain ng isda at itlog (kung yun nga ang tunay na dahilan) kaya hindi niya alam ang presyo nito.
Hindi din naman siguro siya namamalengke kagaya ng karamihan sa atin kaya hindi niya alam ang trend ng mga presyo ng mga basic commodities.
At ang asawa niya na si Eric Jean Claude Dudoignon Valade ay isang French. Sanay lang siya siguro siya sa mga mamahaling French dish. Hindi daw siya kumakain ng isda at itlog. Siguro sanay siya kumain ng itlog ng isda. Caviar para mas sosyal.
Reasonable nga siguro ang alibi niya.
Pero isa siyang Senadora.
Isa siyang Kandidata sa pagka-Pangulo.
Isang opisyal ng gobyerno na nagsasabing siya ay maka-mahirap.
Paano mo malalaman ang istado ng bayang pinapangarap mong paglingkuran kung hindi mo alam kung paano sila nabubuhay? Kung hindi mo alam kung estado ng kanilang pamumuhay?
Naaalala ko sa pelikulang Avatar, kinailangan pa nilang maging isang Na’Vi para malaman nila ang pamumuhay at kultura ng mga Na’Vi.
kung ganoon kaya ang gawin sa mga opisyal ng gobyerno na nagbabalak tumakbong pangulo? Magkakaroon ng immersion/pakikipamuhay ng anim na buwan sa mga mahihirap? For exposure lang. Para malaman ang realidad.
Sa ganon, malalaman na nila siguro ang presyo ng itlog na maalat at galunggong.
No comments:
Post a Comment