Monday, September 26, 2011

Putik

[youtube http://www.youtube.com/watch?v=KpO_EAA35Ws]

 

Ang awiting ito ay iniaalay sa mga naging biktima ng pananalasa ng Bagyong Ondoy. Maraming salamat Raimund Marasigan at Sandwich sa pagkatha nito.
 Sa ibabaw ng bubong Nakita kong nagunaw ang mundo

Pumasok sa pinto ng hindi inimbita (putik) Nilamon ang lamesa, tv, radyo at sofa (putik) Alaala sa mga larawan (putik) Naglaho nang hindi nagpapaalam (putik) Umakyat sa hagdan at sinakop ang silid (putik) Kinain ang kama, tukador, kabinet, sahig (putik) Ubos ang mga sapatos at damit (putik) Libro, kompyuter, cd, gitarang di maipagpapalit

Sa ibabaw ng bubong Nakita kong nagunaw ang mundo

Sa labas rumaragasang ilog ang kalsada (putik) Inanod ang palengke at lahat ng paninda (putik) Nagpatong-patongg trak, jepney at kotse (putik) Buong bayan nagkulay tsokolate (putik) Pagpalain ang mga nakaisip mangsagip Inalay ang sarili at lumusob sa panganib Buti na lang naiakyat si lola Ngunit di kasing palad ang kapitbahay niya

Sa ibabaw ng bubong Nakita kong nagunaw ang mundo Sa ibabaw ng bubong Nakita kong nagunaw ang mundo

Nagunaw ang mundo

Isa sa mga hindi makakalimutang tahedya ng kasalukuyang henerasyon ay ang pananalasa ng Bagyong Ondoy. Maraming nasalanta. Mayaman man o mahirap, dukha man o  burgis, may sinasabi sa buhay man o karraniwang tao. Walang pinatawad.

image

Sinasabing kasalanan din naman ng tao kung bakit lumala ng ganoon ang sitwasyon. Nagsisisihan. Nagtuturuan. At may isang Kakandidato sa Pagkapangalawang Pangulo ang umako ng responsibilidad (Clue: Si Pink Ranger ang alter ego niya.)

Pero higit sa lahat, mas hinangaan ko ang mga Kababayan kong nagtulungan at nagdamayan pagkatapos ng trahedya. Mula sa mga rescue workers, mga kapwa nasalanta ng Bagyo, hanggang sa mga volunteers na nagre-repack ng relief goods.

Nagunaw man ang mundo. Alam kong babangon pa rin tayo. Ngunit sana ay may mga aral tayong natutunan upang kung hindi man maulit muli, tayo ay maging handa. Padayon!

P.S. Kasalukuyang nananalasa si Pedring. Ang ganda din naman ng timing ano? Eksakto sa second anniversary ni Ondoy. Mag-iingat tayong lahat! At huwag sana muling magunaw ang mundo.

Photo courtesy of jaypeeonline.net

No comments:

Post a Comment