Monday, September 5, 2011

Mga Librong Paparating na Hindi ninyo Dapat Palampasin

Sa darating na Sabado, ika-10 ng Setyembre, ay gaganapin ang kauna-unahang WIT: Visprint’s First Annual Reader’s Day. Anong ibig sabihin noon? Ewan. Pero sabi sa kanilang Facebook event ay magkakaroon sila ng exhibit ng mga obra ng kanilang mga artists, behind-the-scene revelations mula sa mga may akda, pa-seminar tungkol sa pagsusulat ng libro, pasilip sa mga iba pang aabangan nating mga libro na makakapagpaubos ng mga inipon nating allowance at savings, at as usual katulad ng iba pang event, at marami pang ibang sorpresa.

At balita ko nga, kung hindi ako nagkakamali, doon ipapasilip ang ika-siyam na libro ni Bob Ong. Nakasali ka ba sa kanyang pakulo sa Facebook at Google+ nitong mga nagdaang linggo?

Kilala natin ang Visprint dahil sa pagbibigay sa atin ng mga libro ng ating mga idolo na sina Bob Ong at Eros Atalia, ng ubod ng asteeg na Kikomachine Komix ni Manix Abrera, ang anthology tungkol sa Eraserheads na Tikman ang Langit, at marami pang iba.

Lubos akong nagagalak dahil sa pamamagitan ng mga ganitong klaseng pagtitipon, muling nabubuhay ang hilig ng bagong henerasyon sa pagbabasa ng libro.

Pero bukod sa mga libro sa roster ng Visprint, na inaamin kong totoong nakakaubos ng aking ipon, mayroon pang ibang mga libro akong inaabangan bago magtapos ang taon na tiyak na ibabawas ko sa aking Christmas budget.

At narito sila, hayaan mong magbigay ako ng ilang kuwento tungkol sa kanila.

[caption id="attachment_292" align="alignnone" width="500" caption="Anong sinabi ng Philippine Volcanoes at Azkals sa katawan ni Tado?"][/caption]

  • LIBRO NI TADO- Wala pang eksaktong pamagat pero hitsura pa lang, alam mong nakamamatay na ang ka-astigan. Matagal na akong fan ni Tado. Tagapakinig ako ng show nila ni Ramon Bautista at Angel Rivero na Brewrats simula pa lang noong day 1 nila sa radyo.


Noong mawala sila sa ere, inaamin kong na-miss ko si ang kanilang trio, especially si Tado lalo na ang kanyang bobonic English at ang mga malaman na banat. Kaya nang bumisita ako sa kanilang Facebook page (The Brewrats Republic), walang pagsidlan ang aking naging kaligayahan nang makita ko na magkakaroon ng libro si Tado mula sa PSICOM publishing.

Hinihintay ko ang pagkakataong muli kong makakakuwentuhan si Arvin Jimenez sa bawat pahina ng kanyang libro.

[caption id="attachment_293" align="alignnone" width="400" caption="It's like Harper Lee's 'To Kill a Mocking Bird' - but it's an Angry Bird."][/caption]

Katulad ng nasa teaser photo, tungkol din ito sa Pinoy Pop Culture ngunit mas malawak ang magiging saklaw at mas wasak ang humor - daw.

Lubos ang paghanga at pasasalamat ko sa PSICOM Publishing sa pagbibigay ng oportunidad sa ibang mga Pilipinong manunulat upang ang kanilang mga obra ay mabasa.

[caption id="attachment_294" align="alignnone" width="500" caption="Sa wakas Ricky Lee! Sa wakas!"][/caption]

  • ASWANG (RICKY LEE) - Kung kayo ay nakapagbasa noong makapunit-lacrimal gland na nobela ni Ricky Lee na Para Kay B, nandoon sa likod na bahagi ang patikim tungkol sa kanyang susunod na nobela - angAswang, isang political satire tungkol sa isang baklang impersonator na nagiging manananggal.


Makailang ulit ko nang natapos basahin ang Para Kay B sa sobrang inip sa paglabas ng ikalawang nobela ng premyadong manunulat na si Ricky Lee. Huwag nang mangamaba. Sa darating na ika-27 ng Nobyembre, sa Skydome, SM City North EDSA, ilalabas ang Aswang.

Handa ka na bang makipag-wrestling kay Amapola? Para sa iba pang detalye tungkol sa librong ito, mangyari lamang na “i-like” ang pahinang ito sa Facebook,

______

Marami sa atin ang nahuhumaling sa pagbabasa ng libro ng mga banyaga tungkol sa mga wizard at witches, vampires, pakikipagsapalaran, giyera, kasaysayan, pag-ibig, at iba pa. Mabuti naman kung sa ganoon. Pero huwag sana nating isantabi at balewalain ang libro ng ating mga kababayan.

Kahit pa ang mga ito, ika nga ni kumpareng Soriano, ay nakasulat sa language of the streets and not of the learned.

Hindi ako sociologist at dalubhasa pero sa tingin ko, makakatulong sa pagkakaroon ng identity nating mga Noypi ang pagbabasa ng libro na nakasulat sa sarili nating wika, at sa mas mahaba pang patutunguhan, magiging susi ito sa ating kaunlaran.

Inaanyayahan kita ngayon na bumili at magbasa ng mga libro ng ating mga kababayan (Pare, wala kang mada-download na eBook ng mga yan). Suportahan natin ang lahat ng mga Pilipinong may hawak ng panulat!

Handa ka na bang magbasa?

No comments:

Post a Comment