Monday, January 24, 2011

Finding My Way Back Home

24 January 2011

Bisperas kahapon ng Kapistahan ng Patron ng Seminaryo namin, si San Francisco de Sales, Patron Saing of Writers and Journalists. Sumama ako sa mga Magulang ko sa Seminaryo sa Marawoy, Lipa City para dalawain ang kapatid ko at para na rin bumisita sa lugar na itinuring kong tahanan sa loob ng walong (8) taon.

Nakakatuwang isipin na parang nagbalik sa akin ang mga ala-ala ng masasaya, malungkot, nakakatuwa, nakakaaiyak na samahan naming mga seminarista at ang buhay seminaryo. Habang tinitingnan ko ang bawat sulok, ang bawat kuwarto, ang bawat lugar, nagbabalik ang ilang mga pangyayari sa aking buhay na kailanman ay hindi ko makakalimutan at babaunin hanggang sa aking pagtanda.

Nakita ko din ang mga dati kong kasamahan (pero mas madami na ngayon ang mga seminaristang hindi ko na kakilala. Tumatanda na ako at madami na ang bago), nagkaroon ng maikling kuwentuhan, tawanan, at pagbibigay ng payo sa mga graduating na Seminarista ("basta't huwag niyo ng gagawin ang mga kamalian ko na ginawa ko"). Nakasalubong ko din ang mga superior/ formator kong mga Prayle (na masama yata ang tingin sa akin dahil naka-shorts ako kanina. Naka-pantalon kasi dapat ang mga seminarista.)

Nakasalubong ko yung Rector ko na hanga pa (din) daw sa mga isinusulat ko sa aking blog. Ang rector ko na itinuturing kong ninong, tatay, kaibigan. Ang nagtuwid sa baliko kong pananaw at buhay. Ang isa sa mga huling tao na nagtiwala at naniwala pa din sa akin sa kabila ng aking personalidad, mga nagawa, at idealismong salungat sa itinuturung ng marami na tama at angkop.

Pagkatapos ay nanood ako ng palaro ng mga Seminarista. Kasama ang lahat ng mga departamento - mula High School hanggang Theology. Nakakatuwang panoorin na halos walang pinagbago ang saya, tawanan, at balyahan ng mga seminarista sa loob ng basketball court. Nakaka-miss ang ganoong mga pangyayari.

Sa gitna ng aking pagmumuni-muni, tinanong ako ng Nanay ko:

"Na-mi-miss mo na ba ang buhay Seminaryo?, seryoso niyang tanong.

"Hindi! Ang sarap ng buhay ko ngayon eh..", ang sinungaling kong sagot. Sabay ngiti at tumalikod sa Nanay ko.

Nagsisinungaling ako kung sabihin kong hindi ko nami-miss ang buhay seminaryo. Masarap ang buhay sa loob kahit na madami ang hindi nakakaintindi kung paani kaming tumatagal sa ganoong buhay. Walang cellphone, nakakulong, walang babae, at kung anu-ano pang "wala" na meron sa labas ng seminaryo.

Pero kailangan kong mamili. Kailangang timbangin ang mga bagay-bagay. Sa ngayon, ayokong bumalik sa seminaryo ng " hinog sa pilit". Ayokong ma-kompromiso ang aking bokasyon, kasama na ang mga taong aking paglilingkuran, kung pipilitin ko ang sarili ko na mag-pari. May bagay na angkop lamang sa tamang panahon. At sa aking pananaw, hindi pa ngayon ang tamang panahon para doon.

Kaya kahit due ako na bumalik ngayong June 2011, hindi muna ako babalik.

Madami pa akong dapat ayusin sa aking sarili at sa aking buhay dito sa labas ng seminaryo. Mga bagay na hindi maaaring ipilit, mga bagay na hindi maaaring madaliin.

Pero kung sakali mang bumalik ako, alam kong meron pa rin akong babalikan. Dahil sabi nga ni Naruto kay Saske, ang tahanan na iyong babalikan ay iyong lugar kung saan may nagmamahal sa iyo.

Kapistahan ngayon ng Patron natin. Maligayang Pista mga Anakiko! Maligayang kapistahan San Francisco de Sales. Padayon!

Anakiko ang tawag sa mga seminarista ng aming seminaryo. Anakiko - o "Mga Anak ni Kiko" - bilang mga seminarista sa ilalim ng gabay ni San Francisco de Sales.

Saturday, January 22, 2011

Guess who's wearing my The Heads Set T-shirt?

Last September, I got my first paycheck from the Publishing Company where I work as an editor. And since I learned about the Eraserheads: The Head Set last March (when rumors began to spread like wildfire on the internet), I made a vow to myself to allot a portion of my paycheck for the box set - no matter how expensive it would cost me.

The Box Set was released on September 9 - and I still haven't received my paycheck. I was in panic. Since the set is limited, I feared that I will not be able to buy myself a copy. I also feared that the box set will not be available here in the Southern Luzon area (you know, some music materials are just too Metro Manila-centered).

I received my paycheck by mid-September and the first thing that I did was to go to the nearest (and only) Greenwich here in Los BaƱos. I asked the crew if they have the Heads Set. And the rest was months of nostalgia, rockin' with the Eraserheads.

As most of you who have the Heads Set, the box includes a coffee table book/ lyric sheet/ photo album (I don't know how to exactly call it), complete albums, EPs, and a DVD, and the Heads Set Shirt.

Now, the Heads Shirt came in free-size-one-size-fits-all-that's-a-fuckin'-fashion-discrimination!  And if you who know me personally, you know that that shirt will not fit me - and I rarely wear body fits (bakat ang man-boobs pare!). So I decided to just hang it in my room for art's sake, for bragging, and for future self-centered consumption (I just love to use that word).

Months went by and the shirt still hangs in my room. One day, my Nanay entered the room and asked me: "Aanhin mo yan kung hindi mo isusuot? Sayang lang ang Pho 2, 500 mo."

Jokingly, I replied "Kapag pumayat ako, maisusuot ko na yan".

"Ipahiram mo na lang muna sa akin. Ako ang magsusuot.", she replied.

At first, I was taken aback. My Nanay will wear an Eraserheads shirt? Is she trying to be bagets or what? I can accept it if my father wears this shirt (because he is jeprox and young at heart) but my conservative Nanay? She got to be kidding.

I asked her, "Seryoso kayo?".

"Oo nga!", she replied.

And she removed the shirt from the hanger, went to the other room, and wore my shirt. And it fits her perfectly. Panalo!

This is the modern world where being fit and sexy is in and being fat with man-boobs is a big no. It's just so unfair for us fatties. Come on self-proclaimed fashion experts! There are more of us who are not sexy, fit, and macho. the world is full of non-sexy and non-fit individuals. You should consider us whenever you make these shirts.

Okay, enough of the ranting. Alam ko namang olats ako diyan at kailangan ko na talagang magpapayat. Hindi na din kasi healthy.

I have cool parents. It's good to see them having the same trip and vibes as ours. They borrow and listen to my CDs. They watch the same TV series as mine. And they both love the Eraserheads.

Nanay, you can wear that shirt forever if you want to. It's all yours. I can buy you more Eraserheads shirt if you want to. Keep your cool. I love you po! :')

Friday, January 21, 2011

Happy 22nd Anniversary Nanay and Tatay



Today marks the 22nd wedding anniversary of my parents. 22 years of being a husband and wife, 22 years of being good parents, 22 years of ups and downs, 22 years of blessings and misfortunes, and 22 years of being together.

You have gone a long way in your marriage. You have been a good example to us, your sons and daughter. You have thought us to be God-fearing individuals and to be just to our neighbor. You are our idols.

In three years, you will be celebrating your Silver Anniversary. But let’s aim for fifty years just like Lolo and Lola. And when that day comes, I want both of you to sing Adam Sandler’s Grow Old With You.

I love you Nanay and Tatay from the bottom of my heart and from the wholeness of my substantial, corporeal, living, and rational soul. Nuks!

Photo taken at Kamay ni Hesus Healing Center, Lucban Quezon. I asked them to pose on ‘The Temptation’ statue of Adam and Eve for art’s sake - and for them to be reminded that whatever temptations may come along the way, they should still be together as one.

Thursday, April 15, 2010

>“Gatas ng Gobyerno”

>

Ngayon ay April 15. Deadline ng pagfa-file ng income tax. Ibig sabihin, busy na naman ang Kawatanan Kagawaran ng Rentas Internas (BIR) sa pangongolekta ng pondo mula sa ating mga taxpayer para maging bahagi ng pondo ng gobyerno.

Wala namang masama sa pagbubuwis. Nakakatulong pa nga ito. Para sa inyong mga hindi pa nag-aaral ng taxation sa Kolehiyo, ang buwis ang siyang dugo na bumubuhay sa isang bansa. Kung walang buwis - na siyang pinagmumulan ng pondong ginagamit sa mga proyekto at serbisyo ng gobyerno - mamamatay ang isang bansa.

Sa ibang bansa, grabe kung makapagbuwis ang gobyerno. Pero hindi nagrereklamo ang mga tao dahil ramdam naman nila ang epekto ng kanilang buwis - sa serbisyo at proyekto na ipinagkakaloob ng gobyerno.

Dito sa Pilipinas, palagi na lang umaangal ang mga mamayan kapag tumataas ang mga produkto at serbisyo dahil sa karagdagang buwis. May punto naman ang ating mga kababayan. Minsan kasi, hindi natin nararamdaman kung saan napupunta ang kinaltas sa ating mga kayamanan.

Sa aking opinyon, kahit gawing 20% o 30% pa ang buwis, kung inutil naman ang pangongolekta at kung sablay naman ang paggamit sa pondo, walang mangyayari sa atin. Kahit 100% VAT pa ang ipataw sa paborito kong kape at beer. Sana ay matugunan ito ng mga susunod na uupo sa puwesto.

Mga kaibigan, 24 days na lang bago maghalalan. Pag-isipan nating mabuti ang ating mga ihahalal sa puwesto. Umasenso tayo Pilipinas. Padayon!

- Juan Republic, 24 Days Before the Election

Wednesday, April 14, 2010

>Hindi ko Iboboto ang Tumatakbong Konsehal na hindi alam ang Pinagkaiba ng "Resolution" sa "Ordinance" (O kung Bakit Hindi natin Dapat Balewalain ang P

>

SA MGA BOTANTE AT MAY PAKIALAM SA PILIPINAS, BASAHIN NINYO ITO:

Kagabi, matapos mawalan ng kuryente ay pinatay ko na ang laptop. At dahil matalino ang meralco, halos limang minuto lang tumagal ang brownout, pero tinamad na akong mag-internet. Kaya binuksan ko na lang ang TV para manood ng mga late night news and public affairs program sa telebisyon.

At napatapat ako sa Channel 2. Sa The Correspondents. At napakaganda ng kanilang topic kagabi - tungkol sa mga konsehal. Kung bakit nga naman iyong mga artista at mga mayayamang negosyante ay nagkukumahog na gumastos ng malaki sa kampanya para sa posisyon ng Konsehal.

Mababa sa ating paningin? Mag-isip ka ulit.

Sila ang itinuturing na mga Little Congressmen.

Kung sa Camara de Representates, tumatanggap ang ating mga butihin at buwayang mga Congressmen ng Pork Barrel o Countrywide Development Fund (CDF) para sa mga proyekto sa bawat distrito, ang ating mga Konsehal ay may tinatanggap din na pondo na alokasyon para sa kanilang mga proyekto sa kanilang nasasakupang distrito, lungsod, o bayan.

At kung akala mong barya lang, nagkakamali ka. Umaabot ito ng mahigit 40 Milyong Piso taon-taon! At para lang iyon sa isang konsehal. Mabuti sana kung sa mabuting proyekto napupunta ang alokasyong iyon.

Ang konseho (kalipunan ng mga konsehal) din ang may kapangyarihan para i-apruba o ibasura ang mga nakahaing business permits, development sa isang bayan/lungsod, pagpapatayo ng mga gusali at mall at marami pang iba.

At hindi naman kaila sa atin na may mga pogi tayong konsehal na tumatanggap ng lagay sa mga negosyante para mapabilis ang transaksyon at pag-apruba sa isang proyekto.

Marami sa mga tumatakbong konsehala ang nagsasabing gusto nilang makapaglingkod sa kanilang mga kababayan kaya gusto nilang tumakbo. Pero nakakalungkot isipin na noong tinanong ng host na si Karen Davila ang mga aspiring councilors sa pinagkaiba ng “resolution” at “ordinance” - na dapat ay nasa puso na ng isang konsehal dahil sa kanila ito nagmumula - malayo at malabo ang isinagot nila.

Oo, mababaw na dahilan para hindi iboto ngunit malalim ang pinaghuhugutan. Sa kanila kasi nakasalalay ang ating lungsod/bayan.

Huwag sana tayong mabulag sa kasikatan ng tumatakbo. Huwag sana tayong magpadala sa mga kupal pangako. Huwag sana tayong magpadala sa sabi sabi ng iba. Kilatising mabuti ang mga kandidato.

Tandaan ninyong mas direkta ang impluwensya sa atin ng mga Konsehal kesa sa mga Congressman, Senador, Pangalawang Pangulo, at Pangulo. Mas malapit at direkta sa atin ang kanilang kapangyarihan upang makapaglingkod.

Mga kaibigan, 25 araw na lang bago ang eleksyon. Pag-isipan nating mabuti ang ating mga boto.

Kapayapaan at pag-unlad para sa Bansang Pilipinas. Padayon!

Monday, April 12, 2010

>MANNY VILLAR'S JINGLE: HELE NG INA SA KANIYANG ANAK

>Unbelievable? Believe it. I have witnessed it myself.

Kanina, matapos akong ma-badtrip sa torture device na nagpapatugtog ng campaign jingle in the tune of “Nobody” malapit dito sa amin, umalis kami ng kapatid ko para magbayad ng water at electric bills namin sa Laguna Water District at sa Meralco.

Ako ang nagpunta sa Meralco at ang kapatid ko naman ang sa Water District.

Ngayon, alam niyo naman sigurong mga Meralco consumers kung gaano kahaba ang pila kapag nagbabayad sa Meralco. Buti na lang at de aircon ang headquarters ng Meralco kaya medyo tolerable ang mahabang pila.

Nandoon ako, nakapila, waiting for my turn sa counter at dala ang mahabang pasensya. Sa likod ko ay may isang nanay, on her 30’s, na karga ang kanyang anak na sa tingin ko ay nasa 2 hanggang 3 taong gulang.

At dahil cool yung bata, sinabayan niya ang init ng panahon ng umaatikabong pagmamaktol at pagngalngal - naiinip na siguro o nagugutom.

Ginawa ni nanay ang lahat para amuin ang bata pero hindi pa rin tumigil ang bata sa ginagawa niyang noise pollution.

At ginamit na ni Nanay ang kanyang ULTIMATUM.

Kinanta niya ang (in)famous na campaign jingle ni Manny Villar habang hinehele ang bata (yung medyo kinakalog-kalog ng konti ngunit may paglalambing para makatulog ang bata).

Hindi bawal mangarap, ang mahirap. Basta’t maaabot ito sa malinis na paraan..”

Hindi ko alam kung may hypnotic effect talaga ang kanta ni Manny Villar pero himalang tumigil ang bata sa kanyang pagmamaktol at unti-unting nakatulog.

Wasak! Kahit ako ay hindi makapaniwala.

Naniniwala na akong malakas talaga sa mga bata ang mga pang-aakit ni Manny Villar - mismong si Baby James Yap nga ay naapektuhan na din. Sabi nga ng nanay ko, kung mga bata daw ang boboto, tiyak na panalo na si manny Villar.

Huwag sana tayong tumulad sa bata na nakatulog at napatahimik ng kanta ni Manny Villar. Hindi campaign jingle ang basehan ng pagpili ng magiging lider ng ating bayan.

Pag-ibig at kapayapaan para sa ating lahat. Padayon!
>That was my statement during the height of the “Nobody” craze last year. At hindi pa rin siya magbabago.

You see, naging torture sa akin ang pagpasok sa trabaho noon dahil palagi na lang siyang pinapatugtog sa sinasakyan kong bus na biyaheng LRT-Taft Buendia. Kasama pa ang buwakananginang “Sabay-sabay Tayo” ni Marian “Nakakasawa ka na” Rivera.

Tapos pag-uwi ko, pagod sa maghapong trabaho sa field, maririnig ko pa sa mga kapitbahay naming may sumasayaw na mga bata. Tapos kakantahin pa nung kapatid ko sa harap ng salamin. Abashet!

It was everywhere. Noong una, tolerable pa. Nang maglaon, naging torture device na.

Ngayon, habang nagluluto ako, may “naka-park” na Mobile Noise Machine and Torture Device (iyong mga sasakyan na may malakas na speaker, tapos nagpapatugtog ng mga pang-hypnotize na campaign jingles) malapit dito sa amin.

Pinapatugtog ang campaign jingle ng Governor and Vice Governor tandem ng Liberal Party dito sa amin in the tune of “NOBODY”.

Abashet! Sobrang init na nga, yun pa ang mapapakinggan! I’ve had enough!

Mababaw na dahilan ang hindi pagboto ng dahil lang sa campaign jingle - dapat ding tingnan ang track record, plataporma, at kung may magagwa ba talaga siya sa Lalawigan/Bayan.

Pero matagal na akong nakapili ng iboboto ko sa pinakamataas na posisyon sa aming Lalawigan- at hindi sila iyon.

Kaya sorry na lang. Mad nakadagdag pa sa hindi ko pagboto sa inyo ang paggamit ng “Nobody” sa campaign jingle ninyo.

Kung puwede lang sanang pasabugin yung speaker. Mainit na nga at may napapabalita pang 3-hour brownout ngayong araw, parusa ang mag-ingay gamit ang jingle nila.

Konting malasakit naman ngayong tag-init. Kapag nairita sa inyo ang taong bayan, mas hindi kayo iboboto. Tapos magrereklamo kayong dinaya kayo?

Mainit na tanghali sa inyong lahat!