Thursday, April 15, 2010

>“Gatas ng Gobyerno”

>

Ngayon ay April 15. Deadline ng pagfa-file ng income tax. Ibig sabihin, busy na naman ang Kawatanan Kagawaran ng Rentas Internas (BIR) sa pangongolekta ng pondo mula sa ating mga taxpayer para maging bahagi ng pondo ng gobyerno.

Wala namang masama sa pagbubuwis. Nakakatulong pa nga ito. Para sa inyong mga hindi pa nag-aaral ng taxation sa Kolehiyo, ang buwis ang siyang dugo na bumubuhay sa isang bansa. Kung walang buwis - na siyang pinagmumulan ng pondong ginagamit sa mga proyekto at serbisyo ng gobyerno - mamamatay ang isang bansa.

Sa ibang bansa, grabe kung makapagbuwis ang gobyerno. Pero hindi nagrereklamo ang mga tao dahil ramdam naman nila ang epekto ng kanilang buwis - sa serbisyo at proyekto na ipinagkakaloob ng gobyerno.

Dito sa Pilipinas, palagi na lang umaangal ang mga mamayan kapag tumataas ang mga produkto at serbisyo dahil sa karagdagang buwis. May punto naman ang ating mga kababayan. Minsan kasi, hindi natin nararamdaman kung saan napupunta ang kinaltas sa ating mga kayamanan.

Sa aking opinyon, kahit gawing 20% o 30% pa ang buwis, kung inutil naman ang pangongolekta at kung sablay naman ang paggamit sa pondo, walang mangyayari sa atin. Kahit 100% VAT pa ang ipataw sa paborito kong kape at beer. Sana ay matugunan ito ng mga susunod na uupo sa puwesto.

Mga kaibigan, 24 days na lang bago maghalalan. Pag-isipan nating mabuti ang ating mga ihahalal sa puwesto. Umasenso tayo Pilipinas. Padayon!

- Juan Republic, 24 Days Before the Election

Wednesday, April 14, 2010

>Hindi ko Iboboto ang Tumatakbong Konsehal na hindi alam ang Pinagkaiba ng "Resolution" sa "Ordinance" (O kung Bakit Hindi natin Dapat Balewalain ang P

>

SA MGA BOTANTE AT MAY PAKIALAM SA PILIPINAS, BASAHIN NINYO ITO:

Kagabi, matapos mawalan ng kuryente ay pinatay ko na ang laptop. At dahil matalino ang meralco, halos limang minuto lang tumagal ang brownout, pero tinamad na akong mag-internet. Kaya binuksan ko na lang ang TV para manood ng mga late night news and public affairs program sa telebisyon.

At napatapat ako sa Channel 2. Sa The Correspondents. At napakaganda ng kanilang topic kagabi - tungkol sa mga konsehal. Kung bakit nga naman iyong mga artista at mga mayayamang negosyante ay nagkukumahog na gumastos ng malaki sa kampanya para sa posisyon ng Konsehal.

Mababa sa ating paningin? Mag-isip ka ulit.

Sila ang itinuturing na mga Little Congressmen.

Kung sa Camara de Representates, tumatanggap ang ating mga butihin at buwayang mga Congressmen ng Pork Barrel o Countrywide Development Fund (CDF) para sa mga proyekto sa bawat distrito, ang ating mga Konsehal ay may tinatanggap din na pondo na alokasyon para sa kanilang mga proyekto sa kanilang nasasakupang distrito, lungsod, o bayan.

At kung akala mong barya lang, nagkakamali ka. Umaabot ito ng mahigit 40 Milyong Piso taon-taon! At para lang iyon sa isang konsehal. Mabuti sana kung sa mabuting proyekto napupunta ang alokasyong iyon.

Ang konseho (kalipunan ng mga konsehal) din ang may kapangyarihan para i-apruba o ibasura ang mga nakahaing business permits, development sa isang bayan/lungsod, pagpapatayo ng mga gusali at mall at marami pang iba.

At hindi naman kaila sa atin na may mga pogi tayong konsehal na tumatanggap ng lagay sa mga negosyante para mapabilis ang transaksyon at pag-apruba sa isang proyekto.

Marami sa mga tumatakbong konsehala ang nagsasabing gusto nilang makapaglingkod sa kanilang mga kababayan kaya gusto nilang tumakbo. Pero nakakalungkot isipin na noong tinanong ng host na si Karen Davila ang mga aspiring councilors sa pinagkaiba ng “resolution” at “ordinance” - na dapat ay nasa puso na ng isang konsehal dahil sa kanila ito nagmumula - malayo at malabo ang isinagot nila.

Oo, mababaw na dahilan para hindi iboto ngunit malalim ang pinaghuhugutan. Sa kanila kasi nakasalalay ang ating lungsod/bayan.

Huwag sana tayong mabulag sa kasikatan ng tumatakbo. Huwag sana tayong magpadala sa mga kupal pangako. Huwag sana tayong magpadala sa sabi sabi ng iba. Kilatising mabuti ang mga kandidato.

Tandaan ninyong mas direkta ang impluwensya sa atin ng mga Konsehal kesa sa mga Congressman, Senador, Pangalawang Pangulo, at Pangulo. Mas malapit at direkta sa atin ang kanilang kapangyarihan upang makapaglingkod.

Mga kaibigan, 25 araw na lang bago ang eleksyon. Pag-isipan nating mabuti ang ating mga boto.

Kapayapaan at pag-unlad para sa Bansang Pilipinas. Padayon!

Monday, April 12, 2010

>MANNY VILLAR'S JINGLE: HELE NG INA SA KANIYANG ANAK

>Unbelievable? Believe it. I have witnessed it myself.

Kanina, matapos akong ma-badtrip sa torture device na nagpapatugtog ng campaign jingle in the tune of “Nobody” malapit dito sa amin, umalis kami ng kapatid ko para magbayad ng water at electric bills namin sa Laguna Water District at sa Meralco.

Ako ang nagpunta sa Meralco at ang kapatid ko naman ang sa Water District.

Ngayon, alam niyo naman sigurong mga Meralco consumers kung gaano kahaba ang pila kapag nagbabayad sa Meralco. Buti na lang at de aircon ang headquarters ng Meralco kaya medyo tolerable ang mahabang pila.

Nandoon ako, nakapila, waiting for my turn sa counter at dala ang mahabang pasensya. Sa likod ko ay may isang nanay, on her 30’s, na karga ang kanyang anak na sa tingin ko ay nasa 2 hanggang 3 taong gulang.

At dahil cool yung bata, sinabayan niya ang init ng panahon ng umaatikabong pagmamaktol at pagngalngal - naiinip na siguro o nagugutom.

Ginawa ni nanay ang lahat para amuin ang bata pero hindi pa rin tumigil ang bata sa ginagawa niyang noise pollution.

At ginamit na ni Nanay ang kanyang ULTIMATUM.

Kinanta niya ang (in)famous na campaign jingle ni Manny Villar habang hinehele ang bata (yung medyo kinakalog-kalog ng konti ngunit may paglalambing para makatulog ang bata).

Hindi bawal mangarap, ang mahirap. Basta’t maaabot ito sa malinis na paraan..”

Hindi ko alam kung may hypnotic effect talaga ang kanta ni Manny Villar pero himalang tumigil ang bata sa kanyang pagmamaktol at unti-unting nakatulog.

Wasak! Kahit ako ay hindi makapaniwala.

Naniniwala na akong malakas talaga sa mga bata ang mga pang-aakit ni Manny Villar - mismong si Baby James Yap nga ay naapektuhan na din. Sabi nga ng nanay ko, kung mga bata daw ang boboto, tiyak na panalo na si manny Villar.

Huwag sana tayong tumulad sa bata na nakatulog at napatahimik ng kanta ni Manny Villar. Hindi campaign jingle ang basehan ng pagpili ng magiging lider ng ating bayan.

Pag-ibig at kapayapaan para sa ating lahat. Padayon!
>That was my statement during the height of the “Nobody” craze last year. At hindi pa rin siya magbabago.

You see, naging torture sa akin ang pagpasok sa trabaho noon dahil palagi na lang siyang pinapatugtog sa sinasakyan kong bus na biyaheng LRT-Taft Buendia. Kasama pa ang buwakananginang “Sabay-sabay Tayo” ni Marian “Nakakasawa ka na” Rivera.

Tapos pag-uwi ko, pagod sa maghapong trabaho sa field, maririnig ko pa sa mga kapitbahay naming may sumasayaw na mga bata. Tapos kakantahin pa nung kapatid ko sa harap ng salamin. Abashet!

It was everywhere. Noong una, tolerable pa. Nang maglaon, naging torture device na.

Ngayon, habang nagluluto ako, may “naka-park” na Mobile Noise Machine and Torture Device (iyong mga sasakyan na may malakas na speaker, tapos nagpapatugtog ng mga pang-hypnotize na campaign jingles) malapit dito sa amin.

Pinapatugtog ang campaign jingle ng Governor and Vice Governor tandem ng Liberal Party dito sa amin in the tune of “NOBODY”.

Abashet! Sobrang init na nga, yun pa ang mapapakinggan! I’ve had enough!

Mababaw na dahilan ang hindi pagboto ng dahil lang sa campaign jingle - dapat ding tingnan ang track record, plataporma, at kung may magagwa ba talaga siya sa Lalawigan/Bayan.

Pero matagal na akong nakapili ng iboboto ko sa pinakamataas na posisyon sa aming Lalawigan- at hindi sila iyon.

Kaya sorry na lang. Mad nakadagdag pa sa hindi ko pagboto sa inyo ang paggamit ng “Nobody” sa campaign jingle ninyo.

Kung puwede lang sanang pasabugin yung speaker. Mainit na nga at may napapabalita pang 3-hour brownout ngayong araw, parusa ang mag-ingay gamit ang jingle nila.

Konting malasakit naman ngayong tag-init. Kapag nairita sa inyo ang taong bayan, mas hindi kayo iboboto. Tapos magrereklamo kayong dinaya kayo?

Mainit na tanghali sa inyong lahat!

Tuesday, March 23, 2010

>A Death Threat for My Comrade

>

You have read that right.

I am scheduled to give a talk tomorrow to a public school with him. A lenten recollection to the graduating students to be exact.

But this morning, he texted me:

Kapatid, baka hindi ako makababa at makapunta diyan. May death threat na naman ako. Tatambangan daw ako kung sa daan ko pauwi. Ipagdasal mo ako.

He is a religious missionary in the mountainous region of Sierra Madre, part of Bulacan. And he has been of service to the Dumagats and other poor and uneducated people up there. He builds a community, a cooperative, and a school for our poor and uneducated countrymen.

And now, a local politician and his cohorts are angry.

Why? Here's a nerve-wracking story according to my Missionary friend:

Ang mga Dumagat ay may subsidy na isanlibong piso mula sa lokal na gobyerno. Ngunit dahil sila nga ay hindi mga edukado, inuuto sila ng gobyerno. Pinapapirma sila sa voucher na nakasulat ay isanlibong piso, ngunit isandaang piso lamang ang ibibigay sa kanila. Nakakagalit ng laman ano?

At kinuwestyon iyon ng kaibigan ko. Sinugod niya ang opisina ng nasa posisyon na iyon. Nabuksan ang katotoihanan.

At simula noon, nakakatanggap na siya ng mga death threats. Binabato ang kumbento at ang kanyang kuwarto. At nakakatanggap ng sulat na "Nakatulog ka na ba sa gitna ng kalsada habang nasusunog ang kuwarto mo" at "Huwag kang maglalakad ng mag-isa sa kalsada at baka ma-hit and run ka."

That is a sad reality. That is a nerve-wracking story of my friend. akala ko sa pelikula lang nangyayari, meron din pala sa tunay na buhay.

I admire his courage to stay there in the service of the people. He could have just give up and live a normal and peaceful life. But no, he chose to stay.

The last time I saw him was last week, before he came back to the mountains. He told me that he is ready to die and his death would not be in vain since he is fighting for the truth, since he is fighting for of our Lord.

What I have there in front of me was a martyr-in-process.

Sometimes, I ask myself, can i die for our Lord? Can I die for my faith? I think, I do not have that enough courage and strength to be a martyr. I just don't know yet.

How about you? Can you die for your faith? Can you stand and fight for the truth until the end?

I will leave this as a challenge for each and everyone of us.

And please, pray for my comrade. His name is Christian.

Monday, March 22, 2010

Better Than Thou?



I am not really into this exaggerated, overrated, and too-much-to-become-a-national-issue Philippine showbiz scene. I just tune in to the boob tube to watch the educational, recreational, and substantial news and programs. I am neither a Kapuso nor a Kapamilya. I just tune in to their shows that I find worth watching.

But sometimes, I cannot but react to their way of giving us viewers the [quality] entertainment that we deserve.

The Kapamilya Network gave us this “Melason” craze - Melai Cantiveros and Jason Francisco - a tandem of two ordinary Filipinos whose love story was followed inside the Big Brother house. Yes, they may be “too masa and ordinary looking” and they may not have the “artista look” which is accepted by the society but there is this factor that gave them the stardom that both of them are now enjoying.

They are too natural. Their chemistry is based on their true feelings for each other and not on the stereotypical and “forced” notion of love team here in the Philippines. Hindi puwersahang ipinares sa isa’t-isa. They just did their part and the viewers loved and accepted them for that.

The Kapuso Network gave us this Marian Rivera-Dingdong Dantes tandem. At first, the Filipinos gave them a warm response when they first teamed up in “Marimar.” And then they were paired again. And again. And again. (Please repeat while fading). Gee! I’ve had enough!

You see, due to overexposure, their love team gets too consumed by our senses thus, it already became so sickening for us. Nakakaumay na ang tambalang Dingdong Dantes at Marian Rivera. I may not have the enough knowledge with regards to the entertainment and television industry, but in my opinion, what they did (or what the network and management did)was a career suicide. Matalino ang mga Pinoy. Mabilis makalimot. Mabilis magsawa. (And I don’t want to discuss here the issue that Marian Rivera was the alleged reason for the Dingdong-Karylle breakup. I’ll leave it to your favorite showbiz talkshow hosts and reporters. At lumang issue na yun.)

Some of you Marian-Dingdong fans may bash me and ask the question “How dare you compare Marian and Dingdong with Melason? Their miles apart!”

I do not compare them as they are. I do not compare them as though they are running for the same electoral position. Both of them have their own fanbase and spheres to cover and I don’t give a cent about that.

My point here is the way they reach their stardom, their influence to us boob tube suckers, and the quality entertainment that we Filipinos deserve. Kung minsan kasi, nakakasawa na at wala na tayong natututunan sa telebisyon kundi ang maglampungan at mag-sampalan, maniwala sa mga telefansiya at superhero, at ang tumunganga sa harap ng drama.

I challenge you students who are future creators of television programs, please, give the masa a quality and educational program. They cannot afford cable television that caters for our “intellectual needs”.

I don’t care if you are Team Melason or Team Marian-Dingdong. I don’t care if you are a Team Kapamilya or a Team Kapuso. I don’t care if you watch the free channels or if you prefer the cable channels.

This is just me, expressing my thoughts and opinion. I respect your freedom and choice just as I hope that you respect mine.

Friday, March 12, 2010

>ULTRAELECTROMAGNETIC FAILURE!

>

No dear. This is not about the Eraserheads. I love them and I don't think na failure ang pag-disband nila.They had their awesome contribution to our culture and the industry and let us just leave it there.

This is about me. And the EPIC FAILURE that happended on this day.

You see, I was asked to give a recollection in a public school here in Los BaƱos. Three (3) weeks pa lang before the date ay sinabihan na nila ako. Good enough. Para naman makapaghanda ako.

And then I prepared. Even to the point of sacrificing my time to take care and to be with my beloved Lolo Antonio who is very sick and dying.

But merciful comos! It all turned into a crap.

I went to the school kahit umuulan at maputik - all for my love for sevice to the students (Hindi ko naman alam kung may honorarium o wala. Hindi ko naman hinahabol yun.).

And I waited.

And I waited for some more.

Hangang sa nabagot na ako at sinubukang tawagan ang office ng Simbahan. And it turned out na kinansela pala kahapon, Thursday, ang recolletion.

At hindi nila ako ini-inform gayung ako ang facilitator.

Pang-asar lang ano?

And so umuwi na ako at nagpasyang dumaan sa office ng Parish para itanong kung bakit hindi ako in-inform ng coordinator-catechist. Kaso sarado pa siya kaya andito ako ngayon sa computer shop sa Robinson's Town Mall Los BaƱos na katapat lang ng Simbahan at isinusulat ang arikulong ito.

Here's the thing: Isa sa pinakamagandang paraan ng pag-respeto sa kapwa ay ang pag-respeto ng kanyang oras.

Limited ang oras ng tao. tumatakbo ang oras. Maraming nasasayang. At sa mga oras na nasasayang, marami pa sanang makabuluhang bagay napuwedeng gawin.

Respeto lang kaibigan. Iyong simpleng hindi pagiging late sa tagpuan ay malaking bagay na at nagpapakita ng repeto. Ano pa kaya yung mismong pagsipot sa itinakdang appointment?

Respeto. Paggalang. Basic na mga bagay lang yan kaibigan.

Sa bandang huli, ayokong mgalit at masira ang buong maghapon ko dahil sa isang bagay na puwede namang palampasin. Smile pa rin. Relax pa rin. Optimistic pa rin.

Sabi nga ng dakilang si John Maxwell, "Do not let the situations mean more than the relationship."

Magpapatuloy ang buhay. Pag-ibig at kapayapaan para sa lahat. Padayon!

Monday, March 8, 2010

>Better than Paramore

>


Since the buzz circulated in the blogosphere and the airwaves, I have prepared since November of last year to watch my favorite band Paramore. All for the love of my crush Hayley Williams. I have long laid my plans on going in that much-awaited concert of the year.

But there are those things that unexpectedly happen in our lives, compromising our well-prepared plans. As one of the famous dictum says, “Buti pa ang biglaang lakad, natutuloy. Ang planado, hindi.”

And they “interfered” with my date with Hayley Williams and the rest of the band.

You see, my Lolo Antonio suffered from stroke and is very sick. So I have to go to their place and take turns with my relatives to take care of him. All for the love of a grandson to his beloved grandfather.

And I believe that being with my grandfather is far better than singing, rocking, moshing and head banging with thousand of Paramore fans.

Also, I have to prepare for my series of talks.

I was invited to give a recollection to the graduating grade 6 students in public schools here in Los BaƱos. They want me to teach a thing or two to the students before they enter High School.

I love to give recollections to students because even though I am the facilitator, I also learn from them. And the mere fact that I have the responsibility to “influence” these youngsters is such a blessing.

I was also invited to give a talk to a group of rape victims somewhere here in Laguna.

Yes. You have read that right. RAPE VICTIMS. Women who were abused. Women who are suffering from emotional stress. Women who will forever have a mark of disgrace.

But moreso, women who are trying to stand up and face a new life.

And I will be so happy and blessed to be a part of their journey to healing and reconcillation.

I have sacrificed my date with Hayley Williams because i learned one thing.

Prioritize.

To prioritize is to put first things first.

There may be some other time for me to rock out with Hayley Williams and the rest of Paramore. This is not just the proper time for me.

But I cannot miss this opportunity to be with my grandfather and to be with those people who need my help, guidance, support, and message.

Learn to prioritize. Put first things first. Learn to weigh things. Learn to differentiate wants from needs. Learn to make sacrifices.

For those who will go to the Paramore concert tomorrow, please say my love to Hayley Williams.

Enjoy and stay safe everyone. Good times. God bless!

Tuesday, February 23, 2010

>Si Juan, Ang Doktor, Ang Burgis at si Lolo (Isang Dayalektiko)

>"Philosophy graduate ka? Anong maitutulong mo sa amin?"

Iyan ang mga katagang sinabi sa akin ng isang propesyonal na nakasama ko noon sa aking trabaho. Isa siyang doktor. Isang inirerespetong Doktor ng Medisina sa kaniyang larangan. Sa pakiramdam ko noon ay parang niyurakan ang aking pagkatao, act and potency. Kasama na ang pakiramdam na para na ring naging biktima ng medical malpractice ang mga comrades ko sa loob ng seminaryo na nagpapagal at nagsusunog ng kilay sa pag-aaral ng Pilosopiya.

Aminin na nating mga alipin at mga minsang naging alipin nina Frederick Copleston, Henri Renard, Paul Glenn, Samuel Enoch Stumpf at Vincent Potter. Nangangagat ang katotohanan. Limitado ang oportunidad para sa ating mga nagtapos ng Pilosopiya. Kung wala kang malakas na backer at hindi ka madiskarte sa paghahanap ng trabaho, kadalasan, teacher ng Pilosopiya at Teolohiya o Kolboy sa BPO Industry ang bagsak mo. Kolboy na babad sa radiation ng computer at nakikipagtalo sa mga foreigner sa telepono gamit ang fake American accent.

Matapos ang carefully-planned at well-executed na mutiny laban sa akin ng mga comrades at superiors ko sa seminaryo, hindi agad ako nakapaghanap ng trabaho. Bukod kasi sa aberya sa transcript of records ng batch namin, hindi agad nag-sink in sa akin ang mga bagay-bagay. Planado na kasi ang pagtuloy ko sa Theology Department ng Arsidiyosesis ng Lipa (Taga Diyoseis ng San Pablo ako). At kasagsagan noon ng global financial crisis, hassle maghanap ng trabaho.

Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi sumama ang loob ko sa mga comrades at superiors ko. Pakiramdam ko noon ay para akong tinraydor ng aking mga kapatid at mga magulang. Na para akong itinakwil ng aking sariling Pamilya. Nilasing ako ng paniniwalang may mga taong traydor at magaling lamang kapag kaharap. Nilunod ako ng kaisipang biktima ako ng isang makabagong inkwisisyon ng simbahan.

Ngunit sa kabila noon, hindi ako nagtanim ng galit. Hindi ko sinubukang maghiganti a la Napoleon Bonapartre French Revolution-style o Ampatuan-flavored mass murder sa mga prayle at seminarista. Hindi nawala ang respeto at paggalang ko sa kanila. Dahil sa kabila ng lahat, nandoon pa din ang katotohanang mayroong pagkukulang at pagkakamali sa akin - na kailangan kong punuan at ayusin sa labas ng seminaryo. Na ginawa lamang nila ang kanilang parte bilang mga magulang at kapatid na nagtutuwid at nagdi-disiplina sa anak.

Respeto. Isang makatao at pang-taong ugali at gawain. Para lamang sa mga rational animals na pinagkalooban ng freedom at intellect. Kaugalian at gawaing ipinagkaloob lamang sa pinakamataas na uri ng nilalang - tao. Tao lang. Hindi kasama ang hayop. Hindi kasama ang mga irrational animals. Kaya't ang mga katagang "Hayop Ka!" na sinasambit ng isang taong walang paggalang at respeto ay akma at may malalim na pakapahulugan.

Respeto. Sinasabing nagkakaroon lamang ng respeto kapag ganap na kilala ang isang tao. Kapag nagkaroon na ng koneksyon o kaya naman common ground sa pagitan ng dalawang indibidwal. Kapag na ng koneksyon at pagkakakilanlan, doon papasok ang tiwala. At kapag nabuo na ang tiwala, mabubuo ang respeto at paggalang. Maaari ding magkaroon ng respeto ang isang indibidwal sa mas nakakataas sa kanya. Ang empleyado sa kanyang bosing. Ang anak sa kanyang mga magulang. Ganyan ang respeto sa kontekstong pinaniniwalaan at tinatanggap ng lipunan. Ngunit hindi iyon ganap.

Sa paglabas ko ng seminaryo, mas namulat ako sa realidad ng buhay sa totoong mundo. Mas nakilala ko ang realidad ng buhay na malayo sa comfort zone ng seminaryo. Madami akong nakilalang mga tao na mula sa iba't-ibang sektor ng lipunan. Naging libangan ko ang pagsusulat at pagba-blog ng mga bagay-bagay na aking nasasalubong sa isang araw. At ang madalas kong maisulat ay ang araw-araw kong karansan sa realidad ng marginalization ng mga burgis at dukha.

At ang isa sa hindi ko matanggap ay ang konsepto ng mga burgis ng "breeding."

Breeding. Iyon daw ang distinction ng mga burgis sa masa. Ng may pinag-aralan sa mangmang. Ng sosyal sa jologs. Ng laking aircon sa mga hampas lupa. Wasak. Kung dati ay ginagamit lang ang salita sa besprend ng tao (read: anong breed ng aso niyo?), ngayon ay ginagamit na din sa tao.

Para bang gustong sabihin ng mga taong “may breeding” na askal ka, may lahi ako. Iyon ang hindi ko matanggap at lubos na maunawaan. Gamitin nating halimbawa ang mga aso. Lahat naman ng aso ay may breed. Ang totoong issue lang ay kung imported o lokal. Nakasanayan lang natin na kapag sinabing ang aso ay “may breed”, ang iniisip natin agad ay ang magagandang lahi na imported.

Hindi ako sumasang-ayon sa pahayag ng mga burgis ng “kulang sa breeding” ang mga tao sa ibaba nila. Lahat ng tao ay may breeding, iba-iba nga lang. Kung paanong inirerespeto at dapat nating respetuhin ang kultura ng iba, gayundin naman ang “upbringing” at kinalakahian ng isang tao. Pantay-pantay tayo mga matapobreng utak aso.

Lahat tayong mga tao ay nilikha ng pantay-pantay at pare-pareho. Pare-pareho tayong mga Homo Sapiens. Pare-parehong binubuo ng mga cells, tissues, at organs para maging isang tao. Pare-parehong may freedom at intellect. Pare-parehong mamamatay. Pare-parehong nasa iisang puwesto sa Tree of Porphyry. Lahat tayo ay pantay-pantay ng mga substantial, corporeal, sentient at rational animals.

Nandiyan ang katotohanan ng hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao dahil sa yaman, pinag-aralan, at social status. Ngunit ang mga iyon ay aksidente lamang - maaaring andiyan, maaaring wala.
Magpasalamat ka kung isinilang ka sa may kayang pamilya. Kung niloob na paglaruan ng Cosmos ang tadhana, puwede kang isilang sa isang dukhang pamilya. O kaya isa sa miyembro ng mga tribo sa Africa. Chumamba ka lang. Tandaan mong isinilang tayong lahat na walang saplot. At kapag namatay ay mabubulok at kakainin din ng lupa.

Kung sa buhay mo ay wala kang respeto at paggalang sa kapwa mo tao, wala kang pinagkaiba sa hayop. Kung ang tingin mo sa sarili mo ay hamak na mas mataas kumpara sa ibang tao, hindi ka tao. Itinuturing mo ang sarili mong Diyos. Hangal! Subukan nga natin ang kapangyarihan mo? Kung hindi mo naiisip na pantay-pantay tayo, ibigay mo na lang ang talinong ipinagkaloob sa iyo ng Lumikha. Sayang at hindi mo naman ginagamit.

Isinusulat ko ang artikulong ito sa malayo at bundok na Barangay ng De La Paz, Lungsod ng Batangas habang binabantayan ang aking lolo na iginupo ng stroke. Hindi man siya comatose, palagi siyang natutulog, hindi makapagsalita, ang pagkain ay ipinapadaan sa tubo, at kung huminga ay parang si Darth Vader - staggard at parang palaging nahihirapan. Kailangang palaging may nakabantay sa kanya dahil gusto niyang tanggalin ang tubo na dinadaanan ng kaniyang pagkain.

Nakakakilig at may kurot sa puso ang ginagawang pag-aalaga ng lola sa kaniyang asawa. Kinakausap. Nilalambing. Nililinisan. Pinapalitan ng diaper at damit. Kung minsan nga ay umaalis na lang ako sa tabi dahil baka hindi ko mapigilan ang pagpatak ng aking luha.

Nakakataba ng puso ang maya't mayang dagsa ng mga taong dumadalaw. Bata, matanda, Thunder Cats, octogenarian, kamag-anak, kapitbahay, kakilala. Nakakatuwang isipin na sa simpleng pagdalaw at pakikipagkuwentuhan, nakakabawas ng pagod at sakit na nararamdaman naming pamilya. Iyon bang simpleng pagdalaw at pakikiramay dahil minsang naging parte ang lolo sa kanilang buhay. (Balita ko pa nga'y may mga pulitikong dumalaw noong nasa ospital pa ang lolo. Kung kawanggawa man o political strategy na maituturing, hindi ko alam).

Ang mga taong iyon ay mga taga-bukid. Ang ilan ay High School lamang ang tinapos. Ang ilan ay pangingisda lamang at pagtatanim ang alam na ikabubuhay. Mga itinuturing na "lesser being" ng mga nasa itaas.

Hindi mo naman kailangang maging edukado at magkaroon ng mataas na pinag-aralan para ipakita ang iyong respeto, pakikiramay, at paggalang sa kapwa mo tao. Sapat na ang malaman mo at isabuhay ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay at pagkakaugnay-ugnay nating mga tao.

Hindi mga doktor ang mga ordinaryong tao na dumadalaw sa lolo. Pero napapagaan nila ang aming kalooban at nabibigyan ng kasiyahan na hindi kayang gawin ng ibang doktor. Hindi mo kailangang magtapos ng medisina para "makapagpagaling" ng isang tao. Sapat na ang marunong kang makiramay, rumespeto at makipag-kapwa tao.

At sa aking opinyon, hamak na mas mabuti iyon kumpara sa doktor na ang pananaw ay walang maitutulong ang mga pilosopong nag-iisip at nagninilay ng mga ganitong bagay.
Pag-ibig at kapayapaan para sa ating lahat. Padayon!

Ang artikulong ito ay nakalaan para sa "Virtually Unconditioned" column sa The Prolegomenon (Opisyal na pahayagan ng St. Francis de Sales Major Seminary, Lipa City). Ang column ay nakalaan para sa mga "virtual seminarians" - mga seminaristang nasa labas ng seminaryo at nasa ilalim ng regency program. Isang malaking pag-uuyam (irony) na noong panahon ko bilang editor-in-chief nagsimula ang Virtually Unconditioned. Magsusulat din pala ako dito? Wasak!

Saturday, February 13, 2010

>My Chinese New Year's Resolutions

>

Disclaimer: Hindi ako Chinese. Sa pagkakaalam ko ay walang Chinese blood na nananalaytay sa dugo namin. Kung meron man, 2% or less lang. Singkit kasi ang mga kamag-anak ko sa Father’s side. Siguro may ka-relasyong Intsik na Trader ang isa sa mga ninuno ko noong unang panahon bago pa man dumating ang mga Kastila. Itatanong ko pa sa grandparents ko. At dahil halos lahat na ng produkto sa merkado ngayon ay puro “Made in China”, in a way, Chinese na din ako.

Bakit ako gumagawa ng resolutions ngayong Chinese New Year? Hindi kasi ako nakagawa noong January 1 dahil sa paniniwalang “New year resolutions are meant to be broken.” Pero napag-isip-isip ko na maganda din naman na meron kang prinsipyong sinusunod sa buhay. Na merong goal. Sabi nga ni Stephen R. Covey, “Begin with an end in mind”.

Isa pa, ang Chinese New year ay papatak ng February 14. Valentine’s Day. Kaya imbes na mag-emo-emo-han ako dahil wala akong ka-date, gagawa na lang ako ng list ng goals to accomplish this year. Mas mabuti to, productive na, tipid pa sa gastos.

Sabi ng mga Feng Shui expert, hindi daw masyadong maganda ang Year of the Metal tiger para sa mga katulad kong ipinanganak sa year of the snake. At para ma-counter ang malas, dapat daw ay hardwork. May free will ang tao. Dapat daw gamitin. (Kaya hindi ako naniniwala sa mga Feng shui at Horoscope, palaging sinasabing nasa kamay pa din ng tao ang kapalaran. Of course! Kaya huwag na kayong mag-post ng guidelines dahil kami din naman ang masusunod sa huli. Maglolokohan lang tayo.)

Kaya heto na, ang Chinese New Year’s resolution(s) ko, para next year ay sisihin ko ang sarili ko kapag hindi ko nagawa at hindi ibang tao ang pagbubuntunan ko ng galit sa mga ka-lechehan sa buhay.

TRY TO LOSE WEIGHT. Anak ng syoktong! Sabi ng mga nagmamagaling na eksperto ay ito daw ang pinakamadalas na hindi natutupad na resolution. Tunay nga naman ang pagyayabang nila. Sino ba naman ang magpapagal na magpapayat gayong napakasarap kumain? Naniniwala kasi ako sa kasabihan ni Epicurus na “Eat, drink, and be merry, for tomorrow you will die.” Kung mamatay man, mamatay ng maligaya. Pero umaangal na ang sistema ko. Ayoko pang mamatay. Bata pa ako.

FIND TIME TO EXERCISE. Natatandaan ko pa last 2008 noong tinamaan ako ng osteoarthritis (hindi ka maniwala ano?) dahil hindi na kaya ng mga joints ko ang bigat ng katawan ko. Kaya ang ginawa ko noon ay araw-araw na jogging at mag-pump sa fitness gym ng seminaryo. Muntik na akong maging hunk noon. Kaso napabayaan noong lumabas ng seminaryo. Kaya lumobo na ulit. Shet!

AVOID FATTY AND GREASY FOODS. Oo nga’t masarap ang sisig at chicharon sa pulutan pero kailangang bawas-bawasan ang intake. Baka balutan na ng taba ang puso ko at mabarahan ang mga ugat ko, mahirap na. At saka nakaka-blemish at pimples ang fats at grease. Kadiri. Baka hindi na matuloy ang pangarap kong maging matinee idol.

LESSEN BEER INTAKE. Naniniwala ako na nagpapaganda ng sirkulasyon ng dugo sa katawan ang alkohol. And we must conserve water, so drink beer. Pero nakaka-bundat ang beer. Hassle naman na palagi na lang akong mukhang butete na may malaking man-boobs (na mas malaki pa sa ibang babaeng kakilala ko, kaya insecure sila sa akin). Bawasan ang pag-tungga ng beer. Kahit konti lang.

MAXIMIZE YOUR POTENTIAL AS A (FRUSTRATED) COOK. Ipinagyayabang ko na mahilig ako magluto at fan ako ng mga cooking shows nina Chefs Rosebud Benitez, Sandy Daza, at NiƱo Logarta. Asset sa lalaki ang masarap magluto. At kung hindi man ako makapag-asawa agad, kaya kong pakainin ang sarili ko. Kaya susubukan ko pang mag-experiment sa pagluluto. Mahal ang mag-aral sa Culinary School kaya sariling sikap muna. Saka na lang kapag naka-ipon.

FEED YOUR MIND. Oo nga’t tapos ka na ako sa kolehiyo at tapos na ako sa lahat ng mga impyernong exams. But learning doesn’t stop there. Sabi nga noong nakainuman ko sa bukid minsan, “A man who graduates today, and stops learning tomorrow, is uneducated, the day after.” (Naka-save yan sa phone ko, May 6, 2008, 7:00:10 PM).

READ GREAT BOOKS. Tanda ko pa noong mga panahong nagbabasa ako ng mga novels, spiritual/inspirational books sa kalagitnaan ng pagre-review ko sa final exams ng mga major subjects. Ganoong ka-dedicated at ka-addict. Ugh! At tanda ko pa yung sabi sa akin noong Prayleng kalbo kong prefect of discipline noong high school, “The man who can write for an hour is a man who can read for six hours.”

READ SUBSTANTIAL ARTICLES AND ESSAYS. Hindi katulad noong nag-aaral pa ako, wala na akong access sa mga daily broadsheets para magbasa ng mga substantial na obra ng mga kolumnista. Per andiyan naman ang internet. Ano pang silbi kung follower ako sa Facebook at Twitter nina Conrado de Quiros, Patricia Evangelista, Gang Badoy, at Manuel Quezon III?

TRY TO WRITE MORE IN ENGLISH. Excuse daw ng mga manunulat (na katulad ko) ang pagsusulat sa Filipino at informal para hindi mapulaan ang pag-gamit ng Ingles. Kaya ko naman magsulat ng substantial at may sense sa parehong Wika. Ang problema lang, kapag sunod-sunod na ang isinulat ko sa iisang wika, nagiging dominante, nagiging mapurol ako sa isa. Kailangan kong isabuhay ang isa sa mga huling pangaral sa akin ng rektor ko noong Kolehiyo, “Kailangang maging balanse. Magsulat ka sa parehong wika. At dapat ay may constancy.”

ACCEPT CRITICISMS AND NOT-SO-GOOD COMMENTS AND CORRECTIONS. Siguro ay nasanay lang ako na puro papuri at paghanga ang natatanggap ko sa mga blogs ko. Kaya it’s an eye-opener na may isang matalinong mambabasa ang nagbigay ng kaniyang puna at mungkahi sa isa kong blog entry. Accept corrections wholeheartedly and with all humility. Walang taong perpekto. Alalahanin ang classic essay na “Of Being Ashamed of One’s Past.” Kagaya ng madalas kong itinuturo sa mga talks ko, sa pagkakamali tayo natututo at lumalago.

PREPARE. PREPARE. PREPARE. Hindi na ako yung dating ako na kahit hindi masyadong prepared ay ayos pa din ang ibinibigay na talks/seminars. Sabi nga ng mga comrades ko dati, “Espiritu Santo na ang bahalang gumalaw.” Sin of presumption yun. Sabihin na nating maganda nga ang ibinibigay kahit hindi nakapaghanda, pero hamak na mas maganda kung talagang pinaghandaan.

BE INNOVATIVE AND NEVER BE STAGNANT WITH IDEAS. Naaalala ko iyong kasabihang “Do not trust a man of one book.” Minsan kasi, nagiging paulit-ulit na ang sinasabi ko. Napakadaming mga bagay sa ilalim ng cosmos para maging stagnant at redundant. Magbasa. Mag-prepare. Mag-consult. Walang masama doon.

LESSEN MY BEING “SUPLADO.” Madaming nagsasabing “suplado incarnated” ako. Poker face kasi ako lalo na sa mga pampublikong lugar. Diretso lang ang tingin. Kaya may mga kakilala akong nakakasalubong na hindi ko napapansin. Hayun. Nababansagang suplado at mayabang. Hindi naman sa ganun. Mahiyain lang talaga ako minsan (wink!).

SMILE MORE OFTEN. Kahit hindi alligned at medyo sungki ang ngipin ko, ngiti pa din. Nakakagaan sa pakiramdam ng iba ang pag-ngiti. Proven ko na na kahit medyo masungit ang isang tao, kahit isang istranghero, napapabago ng sinserong ngiti. Hayaan niyo, kapag nakaipon, magpapa-alambre na ako ng ngipin para maging perfect smile na pang-toothpaste commercial.

CONTROL MY TEMPER. May mga pagkakataong boy badtrip talaga ako. At nakakasakit ng kapwa kung hindi man physicaly ay verbaly at emotionaly. Kagaya nga ng madalas kong payo sa mga kaibigan ko, “chillax lang”, sana mai-apply ko din sa sarili ko.

BE A GOOD EXAMPLE. Sa kadahilanang walong (8) taon nga ako sa seminaryo, hindi naman sa pagmamayabang, ay madami pa ding mga tao ang buo ang respeto at humahanga sa akin. Kaya napakalaking iskandalo kung maging masamang ehemplo ako. Na ako pa ang mangunguna sa mga katarantaduhan (na inaamin ko, madalas kong ginagawa). Dapat nga ay ako pa ang mag-initiate na gumawa ng mabuting bagay. (Amen?)

EXPAND SOCIAL HORIZON. Ang dalawang taon kong pahinga ay nakalaan para malaman ko talaga kung para ako sa pagiging Pari o hindi. Mahaba ang dalawang taon. Madami akong maging mga bagong kaibigan na makakatulong sa akin sa aking discernment. Kaya hindi muna ako nag-ge-gelprend. Baka kasi maging exclusive ako.

ENGAGE IN MORE EXPERIENCE-ENRICHING ACTIVITIES. Sabihin na nating medyo “hampered” ako sa loob ng seminaryo. Limited at structured kasi ang mga activities doon. So ito ang pagkakataon para i-try ko ang mga bagay na di ko pa nasusubukan at matagal ko ng gustong subukan. Photography, Scuba diving, mountain climbing, magpahabol sa askal na may rabies, makipagkuwentuhan sa mga taong grasa, etc. Naniniwala ako sa prinsipyong “Gawin mo ang mga bagay habang may pagkakataon. Madami ang namamatay ng hindi yan nasusubukan.”

TRY TO STOP SECRET MEETINGS WITH SATAN. May mga bagay sa buhay natin na sarili lang natin ang nakakaalam, ang Diyos, at si Satan. Ito yung mga “lihim na kasalanan.” Naalala ko noong nag-take ako ng “Impyerno Test” ni Dante Alghieri na application sa internet. Sa 8th level ako ng impyerno bumagsak. Kung pamilyar ka sa mga level ng impyerno ni Dante, alam mo na ang tinutukoy ko. Ayokong kapag namatay ako ng di oras ay maging instant border ni Satan. Mainit dun.

APPROACH THE SACRAMENT OF CONFESSION MORE OFTEN. Mag-iisang taon na simula noong huli akong nangumpisal. Kung noong huling walong taon ng buhay ko ay buwan-buwan ako mangumpisal (o kapag may instant mortal sin), dapat ay ipagpatuloy ko pa rin iyon hanggang ngayon.

NEVER FORGET MY SPIRITUALITY. Madasalin at araw-araw akong nagsisimba - dati. Simula nang magpahinga ako, bihira na. Kaya I feel weak. I feel empty. Kailangan kong mag-recharge at mag-reconnect sa Diyos. Dapat kong tandaan na walong taon ako sa pangangalaga ng mga prayle.

TO RESSURECT MY SPIRITUAL JOURNAL. Ang sipag ko dating magsulat sa aking spiritual journal. Halos walang mintis bawat araw. Kaya ang lalalim ng mga reflections ko noon. Isa nga ako sa mga inaabangan para mag-“mini sermon” noon. Puwede ng pang-Santo. Pero Anong nangyari? Ayun! Napatigil. Inamag ang notebook. At para akong back to zero.

VALUE OLD FRIENDSHIPS. Sabi nga noong isang kasabihan, “People come and go, but true friends remain.” Hindi kaila na madami na ding taong nagdaan sa buhay ko. Yung iba dumaan lang. Yung iba nag-iwan ng marka. At yung iba, ayun, nanggamit lang. Pero merong mga tunay na kaibigan na palaging andiyan. Value them. They are more precious than gold.

RECONNECT WITH PEOPLE WHO MATTERED. Sa scrapbook/life album ko sa psychology noong second year college, nakalista ang mga taong naging malaking impluwensya kung sino at ako ngayon. Mga guro, superiors, pari, madre, at mga ikalawa kong magulang. Habang hindi pa ako masyadong matanda at bago nila ako tuluyang makalimutan, susubukan kong bumalik sa kanila para magpasalamat.

TRY TO HEAL MYSELF FROM PREACHER’S DISEASE. Madami akong sinasabing magagandang bagay sa iba. Madami akong ibinibigay na magagandang advice sa mga humihingi. Pero wasak! Hindi ko isinasabuhay. Yun ang preacher’s disease. Yung “not practicing what one preaches.” Sayang naman. Nakikinabang ang iba pero ang sarili ko ay hindi.

FIND A (BETTER) JOB NOT FOR THE SAKE OF MONEY BUT FOR THE LESSONS AND EXPERIENCE. Ganto ang prinsipyo ko: “Kung magta-trabaho din lang naman ako, gusto ko ay gusto ko ang ginagawa ko. Hindi dahil sa malaki ang suweldo kahit ayoko ng ginagawa ko.” Kaya gusto ko iyong trabaho na nakikisalamuha sa ibang tao at hindi nakasalpak sa harap ng computer, with a fake American accent. Mas gusto ko ang field work at pagtuturo sa mga estudyante. Care to give me one? (PM mo lang ako)

BE A BETTER SON. I am proud to say na hindi ako prodigal son. Hindi ako naninigarilyo. Hindi ako nagwawaldas ng kayamanan ng mga magulang ko. Pero minsan, nasasagot ko ang mga magulang ko. At alam ko ang pakiramdam sa kanila noon. Kaya dapat ay maging better ako. Alam kong proud sila sa akin. Ikaw na ang magkaroon ng (mga) anak na magpapari (wink! wink!). Dalawa kami ng kapatid kong nasa seminaryo. Dalawa lang kaming lalake at isang babae. So walang magkakalat ng apelyido ng tatay ko kapag nagkataon.

REMEMBER: LIFE IS, AND WILL ALWAYS BE BEAUTIFUL. Kahit ano mang ka-lechehan ang nangyayari sa buhay, life is still beautiful. Be optimistic. Live with that principle. At for sure, makakatagpo ako ng security at “inner happiness.”

DON’T FORGET TO LIVE BY MY PRINCIPLES. Sasabihin ng mga pragmatist na, “Aanhin mo ang prinsipyo? Makakain mo ba yan?” Maaaring tama sila na hindi nga naman tangible ang mga prinsipyo, pero ang pagkakaroon ng mindset at philosophy na isinasabuhay ang magiging sandigan at basehan sa pag-gawa ng desisyon para sa survival at pag-acquire ng mga tangible at useful things na ipinagmamalaki ng mga Pragmatists at Utilitarians. Gets niyo?

MAKE A DIFFERENCE. It may sound too Mother Theresa or Rizal-ish pero wala namang masamang mangarap ng malaki. Pero nangangagat ang katotohanan. Masyadong malaki ang ginawa nila. Pero hindi naman kinakailangang gumawa ng malaki para magkaroon ng “difference.” Sa simpleng mga bagay lang at sa usual na routine natin sa araw-araw, puwede na tayong gumawa ng difference. Iyong simpleng makatulong at “maka-impluwensya” ka sa iba tungo sa kabutihan, malaking bagay na iyon. Naniniwala kasi ako sa prinsipyong “Fruitful at meaningful ang buhay ng isang tao kung minsan sa buhay niya ay naka-impluwensya siya tungo sa kabutihan ng kaniyang kapwa.” Kahit sa simpleng pag-post ng mga blog na nakaantig sa iba, malaking bagay na.

Sa bandang huli, maganda rin na meron tayong goal na tinutumbok sa buhay. Others may consider this as a waste of time and effort. Pero sa aking opinyon, mas malaking pag-aaksaya ng oras at affort ang nabubuhay ng walang patutunguhan. Ang nabubuhay ng para sa wala.

Hindi ako naniniwala sa mga lucky charms ng mga kaibigan nating Intsik. Sa aking opinyon, gimik lang nila iyon para magka-negosyo. Madami namang nagpapauto. Tayo pa din ang guguhit ng ating kapalaran.

Tayo ay mga tao. Endowed with free will and intellect. Matalino tayong mga nilalang. Tayo ang nagmamani-obra sa buhay natin. Hindi ang iba. Hindi ang mga bituin. Hindi ang cosmos. Hindi ang mga elemento. Hindi ang Feng Shui.

Hindi ako Intsik. Pero nakikiisa ako sa kanila sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Kung Hei Fat Choi!

>My Chinese New Year's Resolutions

>Disclaimer: Hindi ako Chinese. Sa pagkakaalam ko ay walang Chinese blood na nananalaytay sa dugo namin. Kung meron man, 2% or less lang. Singkit kasi ang mga kamag-anak ko sa Father's side. Siguro may ka-relasyong Intsik na Trader ang isa sa mga ninuno ko noong unang panahon bago pa man dumating ang mga Kastila. Itatanong ko pa sa grandparents ko. At dahil halos lahat na ng produkto sa merkado ngayon ay puro "Made in China", in a way, Chinese na din ako.

Bakit ako gumagawa ng resolutions ngayong Chinese New Year? Hindi kasi ako nakagawa noong January 1 dahil sa paniniwalang "New year resolutions are meant to be broken." Pero napag-isip-isip ko na maganda din naman na meron kang prinsipyong sinusunod sa buhay. Na merong goal. Sabi nga ni Stephen R. Covey, "Begin with an end in mind".

Isa pa, ang Chinese New year ay papatak ng February 14. Valentine's Day. Kaya imbes na mag-emo-emo-han ako dahil wala akong ka-date, gagawa na lang ako ng list ng goals to accomplish this year. Mas mabuti to, productive na, tipid pa sa gastos.

Sabi ng mga Feng Shui expert, hindi daw masyadong maganda ang Year of the Metal tiger para sa mga katulad kong ipinanganak sa year of the snake. At para ma-counter ang malas, dapat daw ay hardwork. May free will ang tao. Dapat daw gamitin. (Kaya hindi ako naniniwala sa mga Feng shui at Horoscope, palaging sinasabing nasa kamay pa din ng tao ang kapalaran. Of course! Kaya huwag na kayong mag-post ng guidelines dahil kami din naman ang masusunod sa huli. Maglolokohan lang tayo.)

Kaya heto na, ang Chinese New Year's resolution(s) ko, para next year ay sisihin ko ang sarili ko kapag hindi ko nagawa at hindi ibang tao ang pagbubuntunan ko ng galit sa mga ka-lechehan sa buhay.

TRY TO LOSE WEIGHT. Anak ng syoktong! Sabi ng mga nagmamagaling na eksperto ay ito daw ang pinakamadalas na hindi natutupad na resolution. Tunay nga naman ang pagyayabang nila. Sino ba naman ang magpapagal na magpapayat gayong napakasarap kumain? Naniniwala kasi ako sa kasabihan ni Epicurus na "Eat, drink, and be merry, for tomorrow you will die." Kung mamatay man, mamatay ng maligaya. Pero umaangal na ang sistema ko. Ayoko pang mamatay. Bata pa ako.

FIND TIME TO EXERCISE. Natatandaan ko pa last 2008 noong tinamaan ako ng osteoarthritis (hindi ka maniwala ano?) dahil hindi na kaya ng mga joints ko ang bigat ng katawan ko. Kaya ang ginawa ko noon ay araw-araw na jogging at mag-pump sa fitness gym ng seminaryo. Muntik na akong maging hunk noon. Kaso napabayaan noong lumabas ng seminaryo. Kaya lumobo na ulit. Shet!

AVOID FATTY AND GREASY FOODS. Oo nga't masarap ang sisig at chicharon sa pulutan pero kailangang bawas-bawasan ang intake. Baka balutan na ng taba ang puso ko at mabarahan ang mga ugat ko, mahirap na. At saka nakaka-blemish at pimples ang fats at grease. Kadiri. Baka hindi na matuloy ang pangarap kong maging matinee idol.

LESSEN BEER INTAKE. Naniniwala ako na nagpapaganda ng sirkulasyon ng dugo sa katawan ang alkohol. And we must conserve water, so drink beer. Pero nakaka-bundat ang beer. Hassle naman na palagi na lang akong mukhang butete na may malaking man-boobs (na mas malaki pa sa ibang babaeng kakilala ko, kaya insecure sila sa akin). Bawasan ang pag-tungga ng beer. Kahit konti lang.

MAXIMIZE YOUR POTENTIAL AS A (FRUSTRATED) COOK. Ipinagyayabang ko na mahilig ako magluto at fan ako ng mga cooking shows nina Chefs Rosebud Benitez, Sandy Daza, at NiƱo Logarta. Asset sa lalaki ang masarap magluto. At kung hindi man ako makapag-asawa agad, kaya kong pakainin ang sarili ko. Kaya susubukan ko pang mag-experiment sa pagluluto. Mahal ang mag-aral sa Culinary School kaya sariling sikap muna. Saka na lang kapag naka-ipon.

FEED YOUR MIND. Oo nga't tapos ka na ako sa kolehiyo at tapos na ako sa lahat ng mga impyernong exams. But learning doesn't stop there. Sabi nga noong nakainuman ko sa bukid minsan, "A man who graduates today, and stops learning tomorrow, is uneducated, the day after." (Naka-save yan sa phone ko, May 6, 2008, 7:00:10 PM).

READ GREAT BOOKS. Tanda ko pa noong mga panahong nagbabasa ako ng mga novels, spiritual/inspirational books sa kalagitnaan ng pagre-review ko sa final exams ng mga major subjects. Ganoong ka-dedicated at ka-addict. Ugh! At tanda ko pa yung sabi sa akin noong Prayleng kalbo kong prefect of discipline noong high school, "The man who can write for an hour is a man who can read for six hours."

READ SUBSTANTIAL ARTICLES AND ESSAYS. Hindi katulad noong nag-aaral pa ako, wala na akong access sa mga daily broadsheets para magbasa ng mga substantial na obra ng mga kolumnista. Per andiyan naman ang internet. Ano pang silbi kung follower ako sa Facebook at Twitter nina Conrado de Quiros, Patricia Evangelista, Gang Badoy, at Manuel Quezon III?

TRY TO WRITE MORE IN ENGLISH. Excuse daw ng mga manunulat (na katulad ko) ang pagsusulat sa Filipino at informal para hindi mapulaan ang pag-gamit ng Ingles. Kaya ko naman magsulat ng substantial at may sense sa parehong Wika. Ang problema lang, kapag sunod-sunod na ang isinulat ko sa iisang wika, nagiging dominante, nagiging mapurol ako sa isa. Kailangan kong isabuhay ang isa sa mga huling pangaral sa akin ng rektor ko noong Kolehiyo, "Kailangang maging balanse. Magsulat ka sa parehong wika. At dapat ay may constancy."

ACCEPT CRITICISMS AND NOT-SO-GOOD COMMENTS AND CORRECTIONS. Siguro ay nasanay lang ako na puro papuri at paghanga ang natatanggap ko sa mga blogs ko. Kaya it's an eye-opener na may isang matalinong mambabasa ang nagbigay ng kaniyang puna at mungkahi sa isa kong blog entry. Accept corrections wholeheartedly and with all humility. Walang taong perpekto. Alalahanin ang classic essay na "Of Being Ashamed of One's Past." Kagaya ng madalas kong itinuturo sa mga talks ko, sa pagkakamali tayo natututo at lumalago.

PREPARE. PREPARE. PREPARE. Hindi na ako yung dating ako na kahit hindi masyadong prepared ay ayos pa din ang ibinibigay na talks/seminars. Sabi nga ng mga comrades ko dati, "Espiritu Santo na ang bahalang gumalaw." Sin of presumption yun. Sabihin na nating maganda nga ang ibinibigay kahit hindi nakapaghanda, pero hamak na mas maganda kung talagang pinaghandaan.

BE INNOVATIVE AND NEVER BE STAGNANT WITH IDEAS. Naaalala ko iyong kasabihang "Do not trust a man of one book." Minsan kasi, nagiging paulit-ulit na ang sinasabi ko. Napakadaming mga bagay sa ilalim ng cosmos para maging stagnant at redundant. Magbasa. Mag-prepare. Mag-consult. Walang masama doon.

LESSEN MY BEING "SUPLADO." Madaming nagsasabing "suplado incarnated" ako. Poker face kasi ako lalo na sa mga pampublikong lugar. Diretso lang ang tingin. Kaya may mga kakilala akong nakakasalubong na hindi ko napapansin. Hayun. Nababansagang suplado at mayabang. Hindi naman sa ganun. Mahiyain lang talaga ako minsan (wink!).

SMILE MORE OFTEN. Kahit hindi alligned at medyo sungki ang ngipin ko, ngiti pa din. Nakakagaan sa pakiramdam ng iba ang pag-ngiti. Proven ko na na kahit medyo masungit ang isang tao, kahit isang istranghero, napapabago ng sinserong ngiti. Hayaan niyo, kapag nakaipon, magpapa-alambre na ako ng ngipin para maging perfect smile na pang-toothpaste commercial.

CONTROL MY TEMPER. May mga pagkakataong boy badtrip talaga ako. At nakakasakit ng kapwa kung hindi man physicaly ay verbaly at emotionaly. Kagaya nga ng madalas kong payo sa mga kaibigan ko, "chillax lang", sana mai-apply ko din sa sarili ko.

BE A GOOD EXAMPLE. Sa kadahilanang walong (8) taon nga ako sa seminaryo, hindi naman sa pagmamayabang, ay madami pa ding mga tao ang buo ang respeto at humahanga sa akin. Kaya napakalaking iskandalo kung maging masamang ehemplo ako. Na ako pa ang mangunguna sa mga katarantaduhan (na inaamin ko, madalas kong ginagawa). Dapat nga ay ako pa ang mag-initiate na gumawa ng mabuting bagay. (Amen?)

EXPAND SOCIAL HORIZON. Ang dalawang taon kong pahinga ay nakalaan para malaman ko talaga kung para ako sa pagiging Pari o hindi. Mahaba ang dalawang taon. Madami akong maging mga bagong kaibigan na makakatulong sa akin sa aking discernment. Kaya hindi muna ako nag-ge-gelprend. Baka kasi maging exclusive ako.

ENGAGE IN MORE EXPERIENCE-ENRICHING ACTIVITIES. Sabihin na nating medyo "hampered" ako sa loob ng seminaryo. Limited at structured kasi ang mga activities doon. So ito ang pagkakataon para i-try ko ang mga bagay na di ko pa nasusubukan at matagal ko ng gustong subukan. Photography, Scuba diving, mountain climbing, magpahabol sa askal na may rabies, makipagkuwentuhan sa mga taong grasa, etc. Naniniwala ako sa prinsipyong "Gawin mo ang mga bagay habang may pagkakataon. Madami ang namamatay ng hindi yan nasusubukan."

TRY TO STOP SECRET MEETINGS WITH SATAN. May mga bagay sa buhay natin na sarili lang natin ang nakakaalam, ang Diyos, at si Satan. Ito yung mga "lihim na kasalanan." Naalala ko noong nag-take ako ng "Impyerno Test" ni Dante Alghieri na application sa internet. Sa 8th level ako ng impyerno bumagsak. Kung pamilyar ka sa mga level ng impyerno ni Dante, alam mo na ang tinutukoy ko. Ayokong kapag namatay ako ng di oras ay maging instant border ni Satan. Mainit dun.

APPROACH THE SACRAMENT OF CONFESSION MORE OFTEN. Mag-iisang taon na simula noong huli akong nangumpisal. Kung noong huling walong taon ng buhay ko ay buwan-buwan ako mangumpisal (o kapag may instant mortal sin), dapat ay ipagpatuloy ko pa rin iyon hanggang ngayon.

NEVER FORGET MY SPIRITUALITY. Madasalin at araw-araw akong nagsisimba - dati. Simula nang magpahinga ako, bihira na. Kaya I feel weak. I feel empty. Kailangan kong mag-recharge at mag-reconnect sa Diyos. Dapat kong tandaan na walong taon ako sa pangangalaga ng mga prayle.

TO RESSURECT MY SPIRITUAL JOURNAL. Ang sipag ko dating magsulat sa aking spiritual journal. Halos walang mintis bawat araw. Kaya ang lalalim ng mga reflections ko noon. Isa nga ako sa mga inaabangan para mag-"mini sermon" noon. Puwede ng pang-Santo. Pero Anong nangyari? Ayun! Napatigil. Inamag ang notebook. At para akong back to zero.

VALUE OLD FRIENDSHIPS. Sabi nga noong isang kasabihan, "People come and go, but true friends remain." Hindi kaila na madami na ding taong nagdaan sa buhay ko. Yung iba dumaan lang. Yung iba nag-iwan ng marka. At yung iba, ayun, nanggamit lang. Pero merong mga tunay na kaibigan na palaging andiyan. Value them. They are more precious than gold.

RECONNECT WITH PEOPLE WHO MATTERED. Sa scrapbook/life album ko sa psychology noong second year college, nakalista ang mga taong naging malaking impluwensya kung sino at ako ngayon. Mga guro, superiors, pari, madre, at mga ikalawa kong magulang. Habang hindi pa ako masyadong matanda at bago nila ako tuluyang makalimutan, susubukan kong bumalik sa kanila para magpasalamat.

TRY TO HEAL MYSELF FROM PREACHER'S DISEASE. Madami akong sinasabing magagandang bagay sa iba. Madami akong ibinibigay na magagandang advice sa mga humihingi. Pero wasak! Hindi ko isinasabuhay. Yun ang preacher's disease. Yung "not practicing what one preaches." Sayang naman. Nakikinabang ang iba pero ang sarili ko ay hindi.

FIND A (BETTER) JOB NOT FOR THE SAKE OF MONEY BUT FOR THE LESSONS AND EXPERIENCE. Ganto ang prinsipyo ko: "Kung magta-trabaho din lang naman ako, gusto ko ay gusto ko ang ginagawa ko. Hindi dahil sa malaki ang suweldo kahit ayoko ng ginagawa ko." Kaya gusto ko iyong trabaho na nakikisalamuha sa ibang tao at hindi nakasalpak sa harap ng computer, with a fake American accent. Mas gusto ko ang field work at pagtuturo sa mga estudyante. Care to give me one? (PM mo lang ako)

BE A BETTER SON. I am proud to say na hindi ako prodigal son. Hindi ako naninigarilyo. Hindi ako nagwawaldas ng kayamanan ng mga magulang ko. Pero minsan, nasasagot ko ang mga magulang ko. At alam ko ang pakiramdam sa kanila noon. Kaya dapat ay maging better ako. Alam kong proud sila sa akin. Ikaw na ang magkaroon ng (mga) anak na magpapari (wink! wink!). Dalawa kami ng kapatid kong nasa seminaryo. Dalawa lang kaming lalake at isang babae. So walang magkakalat ng apelyido ng tatay ko kapag nagkataon.

REMEMBER: LIFE IS, AND WILL ALWAYS BE BEAUTIFUL. Kahit ano mang ka-lechehan ang nangyayari sa buhay, life is still beautiful. Be optimistic. Live with that principle. At for sure, makakatagpo ako ng security at "inner happiness."

DON'T FORGET TO LIVE BY MY PRINCIPLES. Sasabihin ng mga pragmatist na, "Aanhin mo ang prinsipyo? Makakain mo ba yan?" Maaaring tama sila na hindi nga naman tangible ang mga prinsipyo, pero ang pagkakaroon ng mindset at philosophy na isinasabuhay ang magiging sandigan at basehan sa pag-gawa ng desisyon para sa survival at pag-acquire ng mga tangible at useful things na ipinagmamalaki ng mga Pragmatists at Utilitarians. Gets niyo?

MAKE A DIFFERENCE. It may sound too Mother Theresa or Rizal-ish pero wala namang masamang mangarap ng malaki. Pero nangangagat ang katotohanan. Masyadong malaki ang ginawa nila. Pero hindi naman kinakailangang gumawa ng malaki para magkaroon ng "difference." Sa simpleng mga bagay lang at sa usual na routine natin sa araw-araw, puwede na tayong gumawa ng difference. Iyong simpleng makatulong at "maka-impluwensya" ka sa iba tungo sa kabutihan, malaking bagay na iyon. Naniniwala kasi ako sa prinsipyong "Fruitful at meaningful ang buhay ng isang tao kung minsan sa buhay niya ay naka-impluwensya siya tungo sa kabutihan ng kaniyang kapwa." Kahit sa simpleng pag-post ng mga blog na nakaantig sa iba, malaking bagay na.

Sa bandang huli, maganda rin na meron tayong goal na tinutumbok sa buhay. Others may consider this as a waste of time and effort. Pero sa aking opinyon, mas malaking pag-aaksaya ng oras at affort ang nabubuhay ng walang patutunguhan. Ang nabubuhay ng para sa wala.

Hindi ako naniniwala sa mga lucky charms ng mga kaibigan nating Intsik. Sa aking opinyon, gimik lang nila iyon para magka-negosyo. Madami namang nagpapauto. Tayo pa din ang guguhit ng ating kapalaran.

Tayo ay mga tao. Endowed with free will and intellect. Matalino tayong mga nilalang. Tayo ang nagmamani-obra sa buhay natin. Hindi ang iba. Hindi ang mga bituin. Hindi ang cosmos. Hindi ang mga elemento. Hindi ang Feng Shui.

Hindi ako Intsik. Pero nakikiisa ako sa kanila sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Kung Hei Fat Choi!

Thursday, February 11, 2010

>Ang Likas na Katangahan ng Simbahan

>

Don’t get me wrong. I am not an a Satanist nor an Atheist. Though some people judged me as a having a potential of being one. You see, I was branded a radical and liberal by my former superiors (who happened to be Prayles,though not the Padre Damaso-types).

I am making this module/lesson plan for our Parish’s Sunday School. And the good old Manangs gave me this series of books as my guide. It’s actually a relief for me since I am lazy as a sloth to make my own (and it has been months or a year since I last taught basic Catechism to children - back when I was still in the seminary).

So here am I, making an outline and dividing the lessons into the days of our Sunday sessions. To tell you, it’s not that easy to make a module especially if it would be delivered to children 12 years of age and below. One has to carefully and precisely deliver the topic into the level of knowing of these children.

I was once a student and it pisses me when the professors/instructors deliver their lesson into their own level of thinking without considering the students. It’s a treason and a stupidity.

I was on the last part of making the module when I came across a particular topic. Perhaps, I was too sleepy, stressed and tired so I have typed “Ang Likas na Katangahan ng Simbahan” (The Natural Stupidity of the Church).

Holy Heavens!

Forgive me.

It should have been “Ang Likas na Katangian ng Simbahan” (The Natural Characteristics of the Church).

So never over work. It may lead into a disastrous, adverse, and terrible consequences (Or an apostasy or heresy in my case).

Take a rest.

Pamper yourself.

Relax.

Even God rested after creating the world. So why won’t you?

Monday, February 8, 2010

>Jamby Madrigal's Blunder (o Kung Paano siya Tinraydor ng Galunggong at Itlog na Maalat)

>

I watched the live stream of The Presidential Forum/Debate organized by The Philippine Daily Inquirer kaninang umaga. Salamat kay Gang Badoy ng Rock Ed Philippines for sharing the link through her Twitter account.

Dahil hindi ako morning person, hindi ko nasimulan yung forum pero okay na din dahil may blow by blow commentary at analysis sina Gang Badoy at ang kolumnistang si Patricia Evangelista sa kanilang Twitter account kaya parang nasubaybayan ko na din from the start.

Wala sa forum si Presidente Erap kaya walang “excitement”/ comic punchlines/ stupid cracks. Pero nandoon yung isang kandidato na nagpataas ng energy/ nagpa-high blood ng mga manonood.

Si Senator Maria Ana Consuelo Madrigal.

Mas kilala bilang Ja-ja-ja-jamby

Nagsimula sa tanong ng isang panelist.

Panelist: “Magkano po Senator ang kilo ng galunggong at itlog na maalat ngayon?”

Jamby: “I think it’s about 60”

(Jeers and collective “No” from the crowd)

Jamby:You know, I cannot answer that, I will be honest, because I’m a vegetarian. I don’t eat fish.”

(A louder jeers and collective “No” from the crowd)

At nang medyo nag subside ang crowd, tinanong naman si Jamby kung magkano ang itlog na maalat.

Jamby: “Hindi po ako kumakain ng itlog.”

Intro pa lang yun ng panelist. Ang tunay na tanong ay kung magkano ang dapat na income ng isang tipikal na pamiyang Pinoy para makakakain ng three square meals sa maghapon. Kailangan daw na makapag-uwi ng bread winner ng Php 15,000 kada buwan.

Jamby: “If it’s the father and mother working then they’ll be taking home Php 30,000 a month and that would be the bare minimum to survive.”

At natapos na ang oras ni Jamby.

Sa maikling panahon, tumatak siya sa kasaysayan ng mga presidential forum/debates. Sikat! Pero sa negatibong impact.

Hindi naman natin masisisi si Senator Jamby kung hindi siya kumakain ng isda at itlog (kung yun nga ang tunay na dahilan) kaya hindi niya alam ang presyo nito.

Hindi din naman siguro siya namamalengke kagaya ng karamihan sa atin kaya hindi niya alam ang trend ng mga presyo ng mga basic commodities.

At ang asawa niya na si Eric Jean Claude Dudoignon Valade ay isang French. Sanay lang siya siguro siya sa mga mamahaling French dish. Hindi daw siya kumakain ng isda at itlog. Siguro sanay siya kumain ng itlog ng isda. Caviar para mas sosyal.

Reasonable nga siguro ang alibi niya.

Pero isa siyang Senadora.

Isa siyang Kandidata sa pagka-Pangulo.

Isang opisyal ng gobyerno na nagsasabing siya ay maka-mahirap.

Paano mo malalaman ang istado ng bayang pinapangarap mong paglingkuran kung hindi mo alam kung paano sila nabubuhay? Kung hindi mo alam kung estado ng kanilang pamumuhay?

Naaalala ko sa pelikulang Avatar, kinailangan pa nilang maging isang Na’Vi para malaman nila ang pamumuhay at kultura ng mga Na’Vi.

kung ganoon kaya ang gawin sa mga opisyal ng gobyerno na nagbabalak tumakbong pangulo? Magkakaroon ng immersion/pakikipamuhay ng anim na buwan sa mga mahihirap? For exposure lang. Para malaman ang realidad.

Sa ganon, malalaman na nila siguro ang presyo ng itlog na maalat at galunggong.

Saturday, February 6, 2010

>My Evil Deed of the Day

>What pisses me most ay yung mga magkarelasyon na magkalingkis at napakabagal maglakad sa unahan ko tuwing RUSH HOUR. Yun bang tipong nagmamadali ka na ay hindi mo makuhang mag-overtake dahil halos okupahin na nila ang sidewalk.

So in the spirit of a sweet and clean revenge sa perwisyo nila sa ibang nagmamadaling mga commuters, I gave in into the temptation of doing a little “evil” deed. (I think it’s a venial sin so I don’t need to go immediately to the Confessional Box for the fear of my soul burning into the eternal flames of hell).

Noong nakakuha ako ng chance na maka-overtake sa kabagalan nila, i grabbed it. Eksakto naman na walang sasakyan sa kalsada kaya madali akong naka-overtake sa kanila sa sidewalk.

Once na nasa likod ko na sila - still walking like they are on the moon - I released the toxic fumes na ilang minuto ko na ring pinipigilan lumabas.

Fart worse than the smell of the Kraken’s mouth.

In their face!

Sabay lakad papalayo sa kanila in my “normal” speed ng paglalakad - which is a little faster than the ordinary Juan’s usual walk.

I pray that God will forgive me on my little evil deed of the day.

And God Bless their noses. ;)

Friday, February 5, 2010

>Repent! Balemtayms is Near!

>9 days before Balemtayms, andaming contacts ko sa Facebook ang nagpapalit ng relationship status. From “in a relationship” to “it’s complicated” to “single”. I love the phenomenon! 

Well most of them are teenagers and students kaya medyo acceptable ang pagpapalit ng status. Ampanget naman kung magpapalit ng status ay kung kailan “Married”, saka pa magiging “It’s Complicated.”

Sa totoo lang, hindi ako pabor sa mga nakikipagrelasyon habang mga estudyante pa. Labas dito ang pagiging “single-since-birth” ko (oo, inaamin ko at proud ako dito). Sa aking opinion kasi, dapat ay inuuna ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral kesa sa pakikipagrelasyon.

Malaki ang “investment:” ng kanilang mga magulang para sila ay makapag-aral – matrikula, board and lodging, allowance, at luho. Hindi nila dapat iyon sinasayang at pinapawalang halaga. Mapapalad silang mga nabigyan ng pagkakataong makapag-aral (mas mapalad kung sa mga prestihiyosong paaralan pa) dahil libu-libong mga kabataan ang nagnanais ng kanilang kinatatayuan ngunit hindi pinalad dahil sa hirap ng buhay.

Sa mga nagsasabing ginagawa nilang “inspirasyon” ang kanilang mga “ka-relasyon”, hindi pa ba sapat ang inyong mga magulang at pamilya bilang inspirasyon sa pag-aaral?

Ang pagiging single habang estudyante ay imbitasyon para mapalawak ang ating horizon. Hindi naman kaila sa atin na merong mga nasa isang relasyon na nagiging “exclusive” sa kanilang ka-relasyon. Iyon bang tipong “you and me against the world” na ang drama.

Sa pagiging single, lumalawak ang social horizon dahil hindi lamang umiikot ang mundo sa iisang tao. Isa pa, ang pagiging single at walang inaatupag na problema sa lovelife ay imbitasyon para palawakin ang horizon ng skills at mga karanasan. Mag-aral kang mag-surfing, ng photography, umakyat sa bundok, mag-road trip, island hopping, camping at kung ano pang gusto mong trip na hindi itinuturo sa paaralan. Sa ganoong paraan, matututo ka na ng mga ibang bagay, magiging mayaman ka pa sa karanasan.


Panghuling punto kung bakit hindi ako pabor sa pakikipagrelasyon habang estudyante pa ay dahil sa katotohanan ng pagiging mainit ng mga kabataan ngayon. Lahat tayo ay nasa ilalim at biktima ng sexual revolution. Masyadong mainit at makati ang mga kabataan ngayon dala na rin ng mundong kanilang ginagalawan.

Ang maagang pakikipagrelasyon, kapag napasobra sa itinakdang limitasyon, ay maaaring mauwi sa maagang pagiging mga magulang. Hindi na bago sa atin ang dami ng mga kabataan na maagang nabubuntis at hindi pa handa sa buhay may pamilya. Atupagin muna ang pag-aaral at ang pagbuo ng isang matinong pundasyon.

Hindi lang puro puso at hormones ang ginagamit sa buhay. Ginagamit din ang karne na gawa sa neurons sa loob ng ating bungo. Maging matalino ka.

Opinyon ko lang to. Huwag mo akong paniniwalaan. Try it for yourself. Tao ka na binigyan ng Talino at Kalayaan. Gamitin mo.

Ayoko lang dumating ang panahon na magkatotoo ang paglalagay ng “expiration date” sa kasal. Isang katangahan. Naniniwala pa rin ako na Sagrado ang kasal.

Kalimitan daw sa mga nauuwi sa hiwalayan ay yung mga maagang nakipagrelasyon/nagpakasal. Iisa lang ang buhay natin. Huwag mong madaliin. Sayang.

Sa huli, iiwanan ko sa inyo ang paborito kong linya mula kay DJ Arvin “Tado” Jimenez ng The Brewrats.

“Pa-monthsa-monthsary pa kayo! Maghihiwalay din kayo!”

Pag-ibig at kapayapaan sa ating lahat. Padayon!

>What I learned from Gibo's Narcissistic Picture (A Philosophical Reflection)

>
I think therefore I am for Gibo. I found this one on Carlos Celdran's facebook photos (Celdran is the famous Intramuros tour guide and the "man who is trying to change the way people see Manila, one step at a time"). It's from Rene Descartes famous Cogito Ergo Sum or "I think therefore I am".

"I am" is to be understood in the context of existence. So rephrasing Descartes, it is to be understood as "I think therefore I exist." It is in man's nature "to think" so a man exists because he uses his faculty of thinking. What differentiates a man from an animal is his faculty of thinking (and freedom or free will).

Going back to Gilbert Teodoro. Yes he's brilliant. And he has the balls to brag his "Galing at Talino". He is mayabang because he has a ipagyayabang. But when he ceases to think, he ceases to be Gibo Teodoro. When he ceases to be "magaling at matalino", he ceases to be the Gibo Teodoro we once knew.

In a bigger context, we Filipino voters, just like any other rational animals, are endowed with freedom and intellect. Use it. Rethink your vote. One vote can make a big difference for our country.

In the end, Gibo Teodoro is not the only rational animal who can think. We can all make a difference. Let us use the faculty of intellect and freedom and not degrade ourselves of being an irrational animal.

I THINK THEREFORE I AM A FILIPINO

Friday, January 22, 2010

>In Memoriam (Mendiola Massacre)

>January 22, 1987 - Naganap ang isa sa pinakamarahas na dispersal ng mga demonstrador na magsasaka na humihingi lang sa Bagong Pamahalaan ng ganap na reporma sa lupa.

Namatay ng hindi man lang nakikita ang liwanag ng katarungan at solusyon sa ilang dekada na nilang ipinaglalaban.

Namatay ng walang katuturan dahil makalipas ang dalawampung taon, inutil pa rin ang sistema at wala pa ding ganap na matinong programa para sa reporma sa lupa. Sabi nga noong mga kaibigan kong Manunulat sa Wika ni Uncle Sam, they died in vain.

Isang malaking pag-uuyam na ang pangulo noong panahong iyon ay isa sa mga Panginoong may Lupa. Nabibilang sa pamilya na pinapatakbo pa rin ng sistemang feudal. Sistemang ilang dekada ng gustong ipabuwag ng mga pobreng magsasaka. Sistemang patuloy na nagpapahirap sa mga magsasaka.

Dalawampu’t tatlong taon ang lumipas, wala pa ring hustisya. Wala pa ring kasagutan. Inutil pa rin ang sistema. Sa aking opinyon, magpapatuloy ang ganyang sistema hangga’t may pinoprotektahang interes ang mga nakaupo sa puwesto - na karamihan naman ay mga Panginoon ding may Lupa.

Dalawampu’t tatlong taon ang lumipas, panibagong mga Magsasaka ang isinilang. Ngunit hindi sila nakikibaka para maangkin ang lupang ilang taon na nilang sinasaka. Hindi sila nagpapagal na magsaka sa ilalim ng tirik na init ng araw para sa kanilang ikabubuhay at upang tayo ay may makain. Hindi sila nagmamartsa at nagha-hunger strike para kalampagin ang mga opisyal. At hindi sila binabaril na parang mga itik sa isang madugong dispersal.

Sabi ng kaibigan ko, sila day ay mga “Frustrated na Magsasaka.”

Farmville.

Sana sa paglalaro mo ng Farmville, maalala mo ang labintatlong (13) pinatay sa Mendiola at ang libo-libong mga Tunay na Magsasaka na patuloy pa ring nakikibaka sa kanilang karapatan ng pagmamay-ari sa lupa.

Sana sa pagbibigay mo ng gifts sa mga kapitbahay mong kapwa frustrated na magsasaka, at sa pagtulong para ma-fertilize ang kanilang mga pananim, makatulong ka rin sa mga Tunay na Magsasaka kahit sa iyong mumunting paraan.

Parang tanga lang isipin, na tuwang-tuwa ang mga frustrated na magsasaka kapag tumaas na ang iyong level at experience, o kapag nakabili ka ng mga Villas, e iyon naman ay isang virtual na programa. Hindi tangible. Hindi maibebenta. Hindi mapapakinabangan. Inner happiness lang. Pasensya ka na, Utilitarian at Pragmatist kasi ako paminsan-minsan. Kanya-kaniyang trip lang.

Minsan nga, nanalangin ako sa Panginoong Zynga na dapat ay may bagyo sa Farmville at hindi lang palaging fine weather para maranasan naman ng mga virtual na magsasaka ang panlulumo ng mga tunay na magsasaka na sinalanta ng mga nagdaang bagyo ang mga pananim. Hindi naman niya ako pinakinggan. Kulang pa daw kasi ang XP ko.

Dadating ang panahon na mapapalitan na ang Facebook. Mawawala sa uso ang Farmville [Hindi imposible yun. Yun ngang Friendster na sinasamba natin noon, ibinaon na natin sa limot, eto pa kaya?] pero hindi pa din tapos ang paghihikahos ng mga Tunay na Magsasaka hangga’t makasarili ang nagpapatakbo at inutil ang pinapatakbong sistema.

Hindi lang labintatlo ang mamamatay sa dispersal.

Marami pa rin ang maya’t mayang magma-martsa at magha-hunger strike.

Marami pa ring magsasaka ang mamamatay ng hindi nasisilayan ang liwanag ng hustisya at solusyon sa ilang dekada na nilang ipinaglalabang pagmamay-ari sa lupa.

Marami pang dapat ayusin. Marami pang dapat gawin. Pero hindi mangyayari iyon hangga’t nakaupo ang karamihan sa harap ng computer at nagtatanim.